Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Septic Tank 3, nakaiintriga

NAKAAALIW. Nakaiintriga. Ito ang nasabi namin matapos ipanood ng Dreamscape Digital at Quantum Films ang dalawang episode ng Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken na mapapanood simula ngayong araw sa iWant.

Naaliw kami sa mga eksenang napanood namin na papatunayan naman ni Eugene Domingo ang kakayahan niya sa pagdidirehe, pagiging bida, at pagpo-prodyus ng pelikula. Ito ay ang ukol kay Josephine Bracken, isang mestiza at ang huling kasintahan ni Jose Rizal.

At siyempre ipinakita rito ang pagiging pakialamero niya bilang direktor gayundin ang lahat ng aspeto ng pelikula, tulad ng script, editing, costumes. Kaya kapag ganito, ano ang aasahan natin? Siyempre, kaguluhan.

Kasama ni Eugene sa serye ang iba pang artistang gaganap bilang “bersiyon” ng kanilang mga sarili, kabilang si Tony Labrusca na ika-cast bilang ang pinakamachong Jose Rizal.

Makikipagkompitensiya rin sina Mylene Dizon at Joanna Ampil sa isa’t isa bilang sina Narcisa at Saturnina, mga kapatid ni Rizal, para mapansin at mapuri ni Direk Uge.

Magsisilbi namang screenwriter ng pelikula ni Direk Uge ang award-winning director at writer na si Jose Javier Reyes na makakasalpukan niya sa pagkakakuwento ng biopic.

Sa tagpong ito kami super naaliw dahil hindi makapaniwala si Direk Jose na ang gaganap na Josephine Bracken ay si Uge rin. Kasi naman, mestiza si Josephine samantalang si Uge, hmmm, bahala na po kayo ha ha ha ha. Kaya nga ikinahimatay pa niya nang malamang si Uge ang gaganap na Josephine.

Ang Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken, ang ikatlong edisyon ng Septic Tank series na isinulat ni Chris Martinez at idinirehe ni Marlon Rivera.

Bale seven-episode ang Septic Tank series. At sa dalawang episode na napanood namin, may tila alinlangan ako sa napapanood ko kung iyon nga ba ang totoong nangyari. Mabuti na lamang at tampok din kilalang historian na si Ambeth Ocampo para ibahagi ang mga totoong kuwento tungkol sa mahahalagang karakter na ito sa kasaysayan. Kaya mas lalong interesting panoorin.

Wika nga ni Martinez, “Sa panahon ng pandaraya, fake news, at pagbabago ng kasaysayan ngayon, ‘Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken’ ang pinaka-nakatatawa, pinakamahalaga, at pinaka-nakatutuwang series na mapapanood niyo sa iWant at kahit saan pa.”

Na siya namang tunay. Kaya kung gusto ninyo ng aliw, panoorin ang ikatlong Septic Tank series na ito sa iWant.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …