NAPAKATALINGHARAP talaga ni Manang Cristy Fermin na close pa naman kay Congw. Vilma Santos pero kung tirahin ang anak ni Ate Vi na si Luis Manzano sa kanyang column ay wagas.
Walang ipinagkaiba si Manang Cristy sa mga epal at sawsawerang bashers ni Luis na basta lang makapagbitiw ng salita pero ayaw pakinggan ang paliwanag ng Kapamilya TV host-actor-businessman.
Sang-ayon kami kay Luis nang sabihin niyang napabilis lang ‘yung pagbitaw niya ng salita nang hingan siya ng reaction tungkol sa pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Angel Locsin sa negosiyanteng movie producer na si Neil Arci.
Yes misquoted ang host ng Minute To Win It, sa binitiwan niyang salita na “Hwag niya na akong idamay sa kuwento niya,” na ang ibig niyang sabihin ay huwag na ninyo akong idamay sa kuwento niya o buhay pag-ibig niya. Porke ba magaling na host ay dapat ba kasi perfect talaga at ‘di na puwedeng magkamali? Bakit hindi ninyo bigyan ng benefit of the doubt si Luis na pati happiness nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola ay inyong kinukuwestiyon?
Tatagal ba sila nang ganito kung hindi sila masaya sa kanilang relasyon? Ang hirap kasi sa ibang netizens, comment nang comment lang na para bang nakakasama nila nang 24/7 ang mga artista na tulad nina Luis at Jessy.
Saka bakit naman magiging bitter ang nasabing TV host ‘e 2016 pa sila split ni Angel. Siguro kayo ang dapat mag-move-on!
Talent ni Edwin Rosas Visda na si Migz Coloma may future sa showbiz
Bukod sa pagiging manager ng newcomer singer-model na si Migz Coloma, si Edwin Rosas Visda ay isa rin fashion stylist at FAMAS awardee, napaka-supportive rin ng businesswoman Mommy niyang si July Coloma sa kanyang showbiz career kaya’t tuloy-tuloy ang pag-push kay Migz at nakikita namin may magandang future siya sa showbiz.
Baguhan pa lang ay may dating na si Migz na hindi lang mahusay kumanta at sumayaw kundi may talent rin sa acting. Kinakarir na rin niya ang pagmo-modelo at may ilang event na siyang nasalihan. Very low profile ang nasabing newcomer kahit may sinasabi ang kanyang pamilya.
Inamin niya sa pocket presscon nila ni Mara Aragon, kapwa talent niya sa kuwadra ni Mama Edwin, na noong bata siya ay madiskarte na at kung ano-ano raw ang kanyang inilalakong paninda sa kalye at school para lang kumita ng pera. Kaya nang tumira sila sa London ng kanyang family ay matatag siya at hindi pinanghinaan ng loob sa mga bully.
Nag-umpisa na palang mag-recording sina Migz at Mara ng kanilang CD Album.
Ratings ng Eat Bulaga sa NUTAM pataasnang pataas
Nangangabog ang Eat Bulaga sa katapat na show sa NUTAM Mega Manila Ratings at hindi na talaga mapigilan ang dabarkads sa pagtutok sa mga very entertaining na segment ng 40 years na sa telebisyon na Bulaga tulad ng Boom, Artistahin, Videoke Dabarclash.
Hit na hit rin sa lahat ng manonood ang Bulaga True Stories, Ang Kwentoserye ng Bawat Juan! na marami pala sa mga sikat at tinitingalang celebrities ay galing sa Eat Bulaga.
At ‘yung Limited Edition ng Little Miss Philippines ay lalo pang pinaganda at in fairness mga talented talaga ang young girls na sumasali rito.
Sa darating na July 30, less than 2 weeks na lang ay certified 40 years na ang Bulaga na hanggang ngayon ay favorite noontime show pa rin ng maraming Pinoy.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma