Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kyle Lucasan, wish makatrabaho sina Kyline Alcantara at Ruru Madrid

HINDI malilimutan ni Kyle Lucasan ang naging kara­nasan niya sa StarStruck ng Kapuso Network. Kahit na nabigo si Kyle sa pangalawang pagka­kataon na ibinigay sa kanya rito, nagpapasalamat pa rin siya sa chance na ipinagkaloob sa kanya ng Artista Search ng GMA-7.

“Noong binigyan kami ng second chance, actually po, parang ano e — I mean makapasok or hindi, okay lang. Pero siyempre nandoon pa rin na parang mas masakit, dahil dalawang beses po, e. Pero thankful pa rin po kami na they still tried us. Kasi, not everyone will get a second chance, e,” sambit ni Kyle nang makahuntahan namin sa birthday bash ni katotong Leo Bukas.

Si Kyle ay kilala rin bilang Quinn Carillo ng grupong Belladonnas.

Mas tumapang ba siya dahil sa experience niya sa Starstruck? “Definitely po, kasi I faced rejection twice. So nandoon po ‘yung eagerness pa rin na kailangan next time, mas maging successful.”

Ano’ng reaksiyon niya na sa social media ay maraming nanghihinayang na sana ay nakapasok siya sa Final 14?

“Siyempre po sobrang flatter, kasi I didn’t know na ganoon pala karami na ‘yung sumu­suporta sa akin. Kasi parang I don’t know… noong nakita ko na ang daming nagko-comment… sobrang na-flatter po ako. Wow! Maraming-maraming salamat po talaga sa pagsuporta.”

Sino ang gusto niyang makatrabaho sa mga young actors and actresses sa GMA-7? “Actually po si Miss Kyline (Alcantara), kasi magaling po si Miss Kyline, e. Sa lalaki, crush ko talaga ‘yung kuya ni Rere, hahaha! Si Ruru po,” nakangiting tugon pa niya.

Si Kyle ang itinuturing na pambato ng mga morena beauty dahil magaling  siyang sumayaw, kumanta, umarte, at edukada. Pasok din si Kyle na maging younger version or bagong Rochelle Pangilinan ng GMA-7 dahil nahulma ng 3:16 Events & Talent Management ni Ms. Len Carillo ang kanyang talento.

Nakita namin kung gaano kadeterminado at pursigido si Kyle, kaya sure kami na ang anomang nangyari sa Starstruck ay simula pa lang ng kanyang mahabang showbiz journey para makamit ang inaasam niyang panagarap.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …