Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Cathy, OA sa motivational style na ibinigay kay Kathryn

MAY kasabihang “different folks, different strokes.”

In short, iba-iba ang tao kung kaya’t iba-iba rin ang diskarte sa buhay. Hindi exception sa kasabihang ito si direk Cathy Garcia-Molina.

Kilala ang lady director na kapag hindi nagugustuhan ang acting ng kanyang mga artista sa set ng ginagawa niyang pelikula’y katakot-takot na malulutong na mura ang inaabot ng mga ito.

Hindi nga ba’t minsan na siyang inireklamo ng isang male bit player, na by the way ay naaksiyonan nga ba?

Sa kanyang latest directorial assignment ay muntik na palang maging dahilan ito ng pagbibitiw ni Kathryn Bernardo. Imagine the prohibitions na in-impose ni direk Cathy sa young actress.

Bawal gumamit ng cellphone. Bawal ding makipag-usap sa mga co-star maliban na lang kung may kinalaman ‘yon sa pelikula.

Tingin namin, isang maliwanag na ka-OA-an ang motivational style ni direk Cathy. Layunin daw kasi niyang i-internalize ni Kathryn ang  role bilang isang OFW na nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay.

While the intention is good, direk Cathy missed one important point.

Hindi bagito si Kathryn. At hindi lang naman ito ang kauna-unahang pagkakataong maididirehe niya ito in a full-length movie.

Puwede pa siguro kung ini-apply niya ang mga restriction na ‘yon kay Alden Richards na noon lang niya nakatrabaho. Lumalabas tuloy na wala siyang tiwala sa kakayahan ng Kapamilya actress.

Also, prohibiting Kathryn from engaging in light conversational moments with her co-stars ay kawalan ng camaraderie sa set. Hindi ba dapat ay palagay ang loob nila sa isa’t isa para, kapag kinunan na ang mga eksena nila together ay maayos itong lalabas?

Ang OA mo, direk!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …