Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Panti Sister, kaabang-abang na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino

MAGAGANDA ang mga entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival na magaganap sa Sept. 13-20, 2019 sa buong Metro Manila. Inianunsiyo ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño ang line-up nito.

Kabilang dito ang Cuddle Weather nina Sue Ramirez at RK Bagatsing (Project 8 cor San Joaquin Projects), LSS nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos (Globe Studios), I’m Ellenya L nina Iñigo Pascual at Maris Racal (Spring Films/N2 Productions), G! tampok sina McCoy de Leon, Mark Oblea, Paulo Angeles at Jameson Blake (Cineko Productions), Watch Me Kill starring Jean Garcia at Jay Manalo (Greenlight/CineBandits Entertainment), Open nina Arci Muñoz at JC Santos (BlackSheep/TRex Productions), Lola Igna nina Yves Flores, Angie Ferro at Merryl Soriano, Circa nina Anita Linda, Enchong Dee, Gina Alajar, Laurice Guillen at Elizabeth Oropesa, Pagbalik starring Gloria Sevilla, Suzette Ranillo at Vince Ranillo, at ang The Panti Sisters na pagbibidahan nina Christian Bables, Martin del Rosario at Paolo Ballesteros (IdeaFirst Company).

Naaliw kami nang husto sa trailer/teaser pa lang ng karamihan dito, lalo na sa The Panti Sisters dahil riot talaga rito sina Paolo, Christian, at Martin. Ayon kina Christian at Martin, walang naganap na patalbugan sa kanilang tatlo, bagkus ay nagtulungan sila para mapaganda nang husto ang kanilang pelikula.

Sa pelikulang ito ni Direk Jun Robles Lana, sina Christian, Martin, at Paolo ay tatlong magka­kapatid na gay na ipinatawag ng kanilang amang malapit nang mamatay dahil sa cancer. Dito’y hiniling ng kanilang ama na gusto niyang bigyan nila siya ng apo, kapalit ng milyones na mamanahin.

Ang tatlong Panti Sisters ay dapat na isantabi ang kanilang anumang hindi pagkakasundo at malaman ang tunay na kahulugan ng pamilya sa komedyang ito ukol sa acceptance, respect and loving your own skin no matter what color of panties you wear.

Tampok din dito sina John Arcilla, Rosanna Roces, Carmi Martin at Roxanne Barcelo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …