Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rep. Along natuwa, nagpasalamat sa Pangulo sa inaprobahang Tala Hospital bill

IMBES ipagyabang ang parangal na natanggap mula sa pamunuan at kawani ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (DJNRMH), mas kilala sa tawag na Tala Hospital,  todong pasasalamat muna ang ipinahatid ni Rep. Dale ‘Along’ Malapitan ng District 1, Caloocan City, kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa mabilis na pag-aproba ng kanyang bill na nagpapalawak sa nasabing ospital.

Gayonman, nagpasalamat din siya sa pamunuan ng DJNRMH sa pangunguna ni Medical Center director, Dr. Alfonso Victorino Famaran sa kanilang rekognisyon sa kanyang kontribusyon sa pagpapalawig ng serbisyong medikal at pangkalusugan ng ospital para sa kapakanan ng mga taga-Caloocan.

Tugon ni Rep. Along, sa nasabing parangal: “Layunin kong pangalagaan at palakasin ang karapatan ng mga mamamayan ng Caloocan, lalo ang mga maralitang tagalungsod, para sa lingkurang-pangkalusugan na itinatakda ng Saligang Batas.”

Muli niyang ipinahatid ang pasasalamat sa Pangulo at sa lahat nang nakiisa at tumulong mula sa pagsusumite ng kanyang panukala hanggang sa ganap na pagsasabatas nito tulad ni ex-Sen. J.V. Ejercito na kanyang naging katuwang sa Senado.

Alinsunod sa Malapitan Law, ang antas ng serbisyo at mga pasilidad ng DJNRMH ay kina­kai­langang iangat at umayon sa bagong pinapa­hintulutang karagdagan kapasidad ng paga­mutan.

Sinasabi rin sa nasabing batas ang pagda­ragdag ng kawani ng DJNRMH na ayon sa DOH (Department of Health) Revised Organizational Structure and Standard Staffing Pattern for Level III Hospitals  ay dapat umabot sa 3,801 para sa isang 800-bed capacity, Level III Hospital.

Panghuli, isinasaad din nito ang karagdagang paglalaan ng pondo para sa maayos at mabisang pagpapatupad ng Malapitan Law.

Inaasahan ng nakababatang Malapitan ang agarang pagpapatupad ng naturang batas upang ang kanyang mga kababayang may karamdaman ay mabigyan ng mas maayos at epektibong serbisyo mula sa DJNRMH gamit ang mga makabagong kagamitan at pasilidad na itinatakda ng RA 11286.

Ikinatuwa nang labis ng DJNRMH ang pag-aproba ng nasabing batas dahil bukod sa natang­gap nitong sertipikasyon para sa ISO 9001:2015, ito ay naitaon sa paglabas ng kani­lang kapahintulutang tumakbo bilang Level III Hospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …