FAN ni Heart Evangelista si Ghie Pangilinan. Lagi siyang nakatutok sa mga teleserye ni Heart, updated siya sa mga nangyayari sa buhay nito. Bukod sa avid fan, may mga personal na pangarap si Ghie na gustong marating kaya nagpursigi, dahil sa influence ng idolong si Heart, lalo na pagdating sa negosyo. Taglay ang lakas ng loob, kahit na ilang challenges na ang hinarap, she is now a successful online seller and no doubt, a millionaire. “Lakasan lang ng loob,” aniya.
Ghie’s story is very inspiring especially sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay dahil sa kahirapan. Ms. Ghie is a 38-year old mom of four. She is the eldest sa tatlong magkakapatid. Year 2003 nang nagsimulang maranasan ni Ghie ang mga pagsubok sa buhay. Kinailangan ng kanyang mister na sumakay sa barko noon at magtrabaho kahit one month old pa lang ang kanilang baby, para sa kanilang future. Sa mga sumunod na taon ay nag-business siya, ngunit hindi pinalad. Sinubukan din niyang magpunta sa Dubai, ngunit after two months ay umuwi dahil hindi nakahanap ng trabaho.
Taong 2010, pati online businesses ay pinasok ni Ms. Ghie. Sa Divisoria siya namamakyaw ng mga produkto — gadgets, baby products, clothes, tsinelas at iba pa from China at US para ibenta. Kaso, wala pa rin nangyari. Noong 2013 ay pinalad sila ng kapatid sa rejuvenating skin care product ngunit may dumarating pa rin na pagsubok sa buhay nang may malakas at malaking brand ang pumasok noong 2014 na naging sanhi ng pagkalugi ng kanilang mga produkto to the point na nagsara ang branches nila sa mabilis na panahon.
“Masakit at nakalulungkot ang nangyari pero walang sukuan, lakasan lang ng loob,” saad ni Ms. Ghie.
Despite of all the hurdles, nanatiling matibay si Ms. Ghie kahit dumating sa punto na zero na ang lahat ng negosyo nila.
Taong 2015 nang magkaroon ng kaibigan na skin care products manufacturer si Ms. Ghie, binigyan siya ng kaibigan ng terms and consignment para makapagsimula ulit ng negosyo at kahit wala nang savings at ilang beses nang nabigo, tinanggap niya ang bagong hamon. Nagtulungan sila ng mister niya sa bagong brand na ito na tinawag nilang Skin Magical.
Sa una ay naging mahirap ibenta ang products dahil bago pa sa market. pero sa sipag at tiyaga nilang dalawa, ito na pala ang susi sa kanilang tagumpay.
Fast forward to year 2016, naging malakas ang Skin Magical brand nila sa market. Nagawa nilang buhayin ulit ang Speaks G Brand at nakabili na sila ng mga sasakyan para sa kompanya. Nakabili na rin sila ng bahay at lupa. Naging maganda at maayos ang takbo ng kanyang skin care business.
Ngayong 2019, patuloy na namamayagpag ang Skin Magical business ni Ms. Ghie. Nagkaroon na siya ng mga branch sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sila’y tumutulong sa gustong mag-open ng negosyo at gaya ng ginawa sa kanya noon ng kaibigan, pinapautang niya ang deserving business-minded individuals na gustong magnegosyo.
“All things are possible if you believe in the power of your dreams and hard work. Sabi nga, lakasan lang ng loob ‘yan. Huwag kang matakot magsimula!”
Saad pa ng Skin Magical matriarch na si Ms Ghie.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio