Thursday , December 26 2024

‘Crime’ ‘este Primewater ‘lason’ ‘daw’ ang isinusuplay sa tubig sa Guagua, Pampanga

KAWAWA naman ang mga tao sa Guagua, Pampanga.

Hindi pa man lubusang nakababangon sa ‘delubyo’ ng lindol, lahar at baha noong 1990 at 1991, heto’t parang ‘tubig’ na naman ang magiging sanhi ng ‘pagkaputi’ ng buhay ng mga tao roon.

Bakit ‘kan’yo?

Aba, mismong ang Commission On Audit (COA) ang nagsabing, ang isinusuplay na tubig ng ‘crime’ ‘este Primewater Infrastructure Corp. (Primewater) na sinasabing pag-aari ni dating Senate President Manny Villar ay labis sa Arsenic.

Batay umano sa 2018 annual audit report, isinailalim ng COA sa physical at chemical analysis ang walo sa 13 pumping stations ng Guagua Water District (GWD) at lumabas na ang kalidad ng tubig ay lagpas sa “maximum allowable limit for Arsenic content batay sa inihihimatong ng Philippine National Standard for Drinking Water.”

Ang Arsenic ay nakasasama sa katawan ng tao lalo na kung mataas dahil makapagdudulot ito ng iba’t ibang sakit at maaring ikalason ng mga batayang organo sa loob ng katawan ng tao.

Ang maximum allowable level para sa drinking water ay 0.01 mg/L. Pero ang mga nabanggit na pumping station sa Guagua ay naka­pag­tala ng hanggang 0.023 mg/L – halos doble sa pinayapagan ng gobyerno.

Inalerto umano ng COA si GWD General Manager Eduardo Rodriguez na agarang solusyonan ang problema sa mga kontaminadong tubig.

Kumilos naman daw ang Primewater at nagsagawa ng pilot testing upang maayos ang sobrang arsenic sa mga pumping station.

Bukod sa Arsenic content, sinita ng COA ang Joint Venture Agrement ng GWD at Primewater sa 32.26% na Non-Revenue Water, lagpas sa pinapayagan na 30%. Sa umiiral na rate na P135 per 10 cubic meters, ang district ay nalugi umano ng P2.041 milyon sa taong 2018.

Noong 3 Nobyembre 2017 pumasok sa JV Agreement ang Primewater para sa development ng local water supply system ng Guagua.

Malapit nang mag-dalawang taon pero ngayon lang nabatid ng publiko na mayroong problema sa supply ng tubig ng Primewater sa Guagua.

Nakatatakot isipin na marami na ang nagka­sakit dahil sa ‘tubig na may lason’ ng Primewater.

Sana naman ay maagapan ito at kung walang solusyon ang Primewater, sana’y ibalik na lang sa dati kung saan kumukuha ng supply ng tubig ang mga taga-Guagua.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *