Wednesday , December 25 2024

‘Walwalan’ sa Intramuros dapat na rin sampolan ni Mayor Isko Moreno

ISA pang dapat linisin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang namamayagpag na ‘walwalan’ sa Intramuros.

Malamang na hindi pa ito naipararating o wala pang nagkakalakas ng loob na iparating kay Mayor Isko.

Maliban kung talagang ingat na ingat silang huwag itong makaabot sa kaalaman ni Mayor Isko.

Matagal na po nating pinupuna ang ‘walwalan’ na ‘yan na hindi lang naglululong sa mga estudyante sa bisyo kundi nagiging ‘lugar’ din ng kapariwaraan ng mga estudyanteng babae na umano’y ‘nauubusan’ ng pang-tuition fee.

Kung sa loob ng Intramuros magrerekorida si Mayor Isko, hindi niya makikita kung nasaan ang ‘walwalan’ na ‘yan dahil ang pinaka-gate nito ay nasa Padre Burgos Drive (southbound) sa gilid ng underpass (na patawid patungong Park & Ride).

Ang ipinagtataka natin, bukod sa Intramuros PCP ng Manila Police District (MPD), mayroong mga security guard na nakapormang ‘guardia civil’ ang nagrerekorida sa loob ng Intramuros pero tila hindi rin nila napapansin ang nasabing ‘walwalan.’

Naririyan din ang metikulusong ‘mata at ilong’ ng Intramuros Administration (IA), ang magre­retirong si Madam Marietta “Mayeth” Allaga, ang ‘little administrator’ na hepe ng Urban Planning and Community Development Dicision (UPCDD).

Napakametikuluso ni Madam Mayeth sa mga vendor, pedicab driver, tricycle driver at sa mga kalesa at karitela pero nakapagtatakang tila hindi niya alam ang mga ‘eye sore’ sa Intramuros gaya nga ng ‘walwalan’ na ilang bloke lang ang layo sa mga kilalang paaralan at unibersidad sa Intramuros.

Hindi natin alam kung ano ang ‘mahika’ sa loob ng mga ‘walwalan’ sa Intramuros na talaga namang ‘yuckie’ at nanggigitata pero pagsapit ng dilim ay napapalitan ng mga ilaw na ‘patay-sindi’ sa iba’t ibang kulay — parang Christmas lights.

Labas-pasok ang mga estudyanteng nagwawal­walan sa lugar na ‘yan at animo’y pugon kung magpalitan ng usok mula sa sigarilyo o sa iba pang bisyo.

Pero lahat ‘yan ay nakalalagpas sa ‘metiku­lusong pag-uusyoso’ ni Madam Mayeth. Bakit?!

Anyare sa pagiging metikuluso mo, Madam Mayeth?!

Kung tutuusuin, hindi lang ang ‘walwalan’ ang problema ngayon sa Intramuros.

May mga lugar doon na marumi, mabaho at nanggigitata pero mukhang wala lang kay Madam Mayeth, na nag-master ng government manage­ment at pinuno nga ng Urban Planning and Community Development Division ng IA.

Siguro, ang katuwiran ni Madam ay mag­reretiro na siya sa Nobyembre kaya ‘que sera sera y que se joda’ sa mga iiwanan niya.

Alam nating may sariling charter ang Intramuros Administration (IA), pero hindi naman siguro papayag si Mayor Isko na mapahamak ang mga kabataang estudyante na nagiging biktima ng ‘walwalan’ sa Padre Burgos Drive sa loob ng Intramuros, dahil lamang sa mga ganitong restriksiyon at prohibisyon.

Panahon na para magkaroon ng ‘sey’ ang alkalde ng Maynila sa ‘paglilinis’ ng Intramuros para mailigtas ang mga kabataang estudyante ganoon din ang isa sa makasaysayang lugar sa ating bansa.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *