LABAN Pilipinas! Ito ang ipinost sa Facebook ng recording artist at tinaguriang Zumba King of the Philippines na si Ron Antonio kaugnay ng paglahok at paglaban niya bilang bahagi ng Team Philippines sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa July 12 to 21, 2019 sa Hollywood, Los Angeles, California, USA.
Proud nga si Ron na mapabilang sa Team Philippines sa WCOPA ngayong taon. Big blessing ito at birthday gift sa kanya dahil sa mismong kaarawan pa niya nitong July 10 siya lumipad papuntang Amerika.
Dating miyembro si Ron ng singing group na Wiseguys na sumikat noong 90’s. Nagkaroon ng reunion ang Wiseguys sa ASAP Natin ‘To noong June 30 at happy si Ron na muli niyang nakasamang mag-perform ang mga dating kagrupo na sina Edgar Tejada at Joaquin Garcia.
Pagkatapos mabuwag noon ang Wiseguys at magkanya-kanya ng landas, masaya lang si Ron na pagkatapos ng ilang taon muli siyang nakabalik sa recording at nakagawa ng dalawang dance albums—Zayaw Pilipinas at Pinas Zayaw.
Napunta rin si Ron sa mundo ng Zumba. Last year nga ay pinangunahan niya ang 13,350 Zumba participants na nagtipon-tipon sa Pili, Camarines Sur para makamit ang bagong Guinness World Record bilang Largest Zumba Class in the World. Kabi-kabila at kung saan-saan siya nagpupunta para sa kanyang Zayaw Pilipinas Zumba tours and shows. Humataw din siya on board ng Costa Venezia cruise ship para sa kanyang Zayaw Fiesta Cruise.
Pagkatapos niyang mamayagpag sa Zumba, muli niyang patutunayan ang kakayahan sa pag-awit ng ibang genre hindi lang ng Zumba tracks sa pagsabak niya sa WCOPA.
Post nga ni Ron sa Facebook, “I have been singing practically my whole life. My singing took a backseat when I embraced Zumba as a new career. Having been so engrossed with my new found love i started missing singing, recording and performing I had this inspiration to combine both thus the birth of ZAYAW PILIPINAS.
“In the middle of my busy touring schedule I have been preparing myself steadily getting in my best fighting form, constantly going to the gym, getting on a diet program and practising my songs.
“This July 12 to 21 in Long Beach Los Angeles California USA I will be going back to my first love singing and belting my favorite contemporary and pop songs together with me are delegates from all over the country – TEAM PHILIPPINES. We are going to battle it out from a host of other countries from around the world. We need your support.. Pls pray for us as we gear up for battle for the WORLD CHAMPIONSHIPS OF PERFORMING ARTS (WCOPA)”
ni GLEN P. SIBONGA