MAGPAPABONGGAHAN at magpapatalbugan sa kani-kanilang production number ang lahat ng miyembro ng Ppop- Internet Heartthrobs via Ultimate Showdown sa July 14 (Sunday) sa Shopalooza Bazaar.
Nahati ang mga ito sa apat na grupo, ang Group number 1 ay binubuo nina Kikay Mika, Dean, Hanz and Prince, samantalang ang Group Number 2 ay binubuo ng Infinity Boyz na sina Arkin, Vince, Cedrick, at Kurt.
Ang Group 3 ay ang One Way na sina Christian, Rainier, Japs, Clifford, at Masami, at ang Group 5 ay sina Klinton Start, JB Paguio, Jhustine Miguel, at Ron Mclean. Hosted by DJ Janna Chu Chu (Brgy. LSFM/ DZBB 594) at Rayantha Leigh.
Kaabang- abang ang mga inihandang productions numbers na ito na ang konsepto, costume, at props ay sila mismo ang nag-isip.
Ang Ultimate Showdown ng Ppop -Internet Heartthrobs ay hatid ng Ysa Skin and Body Experts (Ms. Sheila Nazal (owner), Anne Navarro (Marketing), Shopalooza Bazaar, at ng CN Halimuyak Pilipinas (CEO-President Ms. Nilda Tuazon).
MATABIL
ni John Fontanilla