Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauline Mendoza, isa sa tampok sa Magpakailanman ngayong Sabado

BIBIDA ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza sa Magpakailanman this Saturday. Isa siya sa tampok dito with Ms. Amy Austria, sa kakaibang role na ngayon lang nagampanan ni Pauline.

Aminado si Pauline na ito ang pinaka-challenging role niya sa naturang drama anthology ng GMA-7.

“Ako po si Lucilla rito, anak ni Ms. Amy Austria and Kuya Neil Sese, pero bale stepfather ko siya rito. Na nagkagustuhan po kami… sa aming tatlo po actually iikot ‘yung istorya, tungkol po siya sa pamilya at pag-ibig. So far, ito rin po ang pinaka-challenging role na nagampanan ko sa Magpa­kailanman, kasi first time ko rin po nagka-role nang ganito, na na-in love sa stepfather,” aniya.

Pinuri rin niya si Ms. Amy sa husay at kabaitan nito. “Hindi ko pa po nakakatrabaho si Tita Amy before, first time ko po siyang naka-work. Sobrang happy and blessed po ako, kasi isang Ms. Amy Austria po ‘yun, hehehe.

“Okay po kami ni Tito, magkasama kami sa tent, masaya lang, and binigyan po niya ako ng almond cookies, hehehe. Sobrang bait and napakagaling po talaga ni Tita Amy, gina-guide rin po niya ako sa bawat ekesena. Ang gaan po niya katrabaho and gusto ko po ulit siya maka-work, soon,” masayang sambit ni Pauline.

Ano ang dapat asahan ng viewers sa episode ng Magpakailanman this Saturday? “Ang makikita po nila this coming episode ng Magpakailanman ay kakaiba, hehehe. Grabe po ‘yung story na ginawa namin, isang mabait/mapagmahal na anak na inagaw niya ang asawa ng nanay niya. And siyempre rin po, makikita rin ng viewers na iba rin po itong klaseng role na nagampanan ko. Kaya sana magustuhan nila and may matutuhan po sila sa istorya.”

Thankful din si Pauline dahil parte na siya ng BeauteDerm family. “Part na po ako ng Beautederm family kaya I’m really thankful kay Tita Rei and siyempre sa lahat ng bahagi ng Beautederm family. Kasi, ini-welcome po nila ako and sobrang saya kasama nila, pamilya po talaga ang turing namin sa isa’t isa. Masasabi ko po talagang sobrang blessed ako,” masayang wika niya.

Ang BeauteDerm na pag-aari ng masipag na CEO at President nitong si Ms. Rhea Tan, ay isa sa leading beauty brand sa bansa na may branch na rin sa Singapore. Actually, parang kabute na nagsusulputan ang mga branch ng BeauteDerm kaya patunay ito kung gaano kahusay at kasipag ni Ms. Rhea at kung gaano ka-effective ang produktong ito.

This Sunday July 14, 4:00 pm, abangan ang BeauteDerm ambassadors sa Ground Floor ng Vista Mall Bataan para sa BeauteDerm Meet and Greet. Bukod kay Pauline, tampok dito sina Carlo Aquino, Ejay Falcon, Jane Oineza, Boobay, at Kris Lawrence.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …