EXCITED na si Nadine Lustre sa kanyang bagong pelikulang gagawin dahil makakasama niya ang mahuhusay na actor na sina Aga Muhlach at Arjo Atayde.
Magbibida sina Nadine, Aga at Arjo sa remake ng Korean blockbuster movie na Miracle Cell # 7 na ipu-produce ng Viva Films.
Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataong makakatrabaho ni Nadine sina Aga at Arjo at aware ang actress kung gaano kahusay na artista ang dalawa.
Pasok na sa 2019 Metro Manila Film Festival ang Miracle Cell #7 at nakatitiyak kaming tatabo ito sa takilya.
MATABIL
ni John Fontanilla