Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joyce Ching, sa Dec. 8 ikakasal sa videographer BF

IBINAHAGI ni Joyce Ching ang mga detalye sa nalalapit niyang kasal sa videographer boyfriend, Kevin Alimon na nag-propose sa kanya noong February 25.

Nakausap namin si Joyce sa taping ng Dragon Lady, na ang finale ay sa July 19 at sinabing sa December 8 ang kasal nila ni Kevin. “Originally December 7, pero ‘yung venue December 8 lang available. So, sinunod na lang namin ‘yung date na available ang venue.”

Sa Baguio ikakasal sina Joyce at Kevin dahil, “para malamig. Iyon lang talaga, iyon lang talaga ‘yung dahilan, para malamig, ganoon, tahimik.”

Sa entourage naman, isang pangalan pa lang ang ibinigay ni Joyce. “Ang nakausap ko pa lang si Thea.” Bridesmaid ni Joyce ang kapwa niya Kapuso actress na si Thea Tolentino.

“Pero most ng entourage ko puro non-showbiz.

“’Yung ibang Tweens, invited, ganyan, pero sa entourage si Thea lang.”

Ang ilan sa mga nakasama ni Joyce sa Reel Love Presents Tween Hearts TV show ay sina Barbie Forteza, Bea Binene, Jake Vargas, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, at Alden Richards na hanggang ngayon ay mga kaibigan ni Joyce.

Excited na si Joyce sa kanilang nalalapit na kasal at ibinahagi niyang okey naman ang ginagawang preparasyon. “So far smooth naman ‘yung mga bagay-bagay, nakaplano naman siya ng maayos.”

Hands-on sina Joyce at Kevin sa preparasyon at wala silang wedding planner.

“Medyo nakaka-stress din. Kasi ikaw lahat ang maghahanap ng suppliers, mag-aayos ng schedule ng mga tao, tapos imi-meet mo pa ‘yung mga supplier mo, pero so far okay naman.

“Tapos baka mag-on-the-day coordinator na lang kami.”

“ Nai-bnook na rin namin mostly ang mga kailangan kasi ang hirap mag-book ng mga supplier and all kasi, lalo na December, sobrang agawan, sobrang hirap.”

Sa mga ninang at ninong, mayroon na bang taga-showbiz or GMA executives?

“Hindi ko pa sila nami-meet (napupuntahan ng personal), pero nasabihan ko na sina direk Gina (Alajar), si Tito Joey (Abacan), tapos si Ms. Annette (Gozon).

“Si Boss Vic (del Rosario ng GMA Artist Center), pinipilit ko pa, bagets pa raw siya (para mag-ninong),” at tumawa si Joyce.

Ilang buwan na lamang at ganap ng misis si Joyce, ano ang mga expectation niya?

“Wala naman masyadong expectations.

“Feeling ko naman hindi pa rin naman siya super-magbabago except ‘yung fact na magli-live na kami together, na ‘yung parang, ‘yung boundaries namin medyo mababawasan na kasi magiging married na kami.

“Exciting, excited ako roon.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …