Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eugene Domingo may bagong atake sa kasaysayan bilang Josephine Bracken (Sa “Ang Babae Sa Septic Tank 3” ngayong July 17 na sa iWant)

Nag-enjoy ang lahat sa super sayang mediacon ng latest digital series ng Dreamscape Digital at Quantum Films na “Ang Babae Sa Septink Tank: The Real Untold Story of  Josephine Bracken” na ang lead star siyempre ay si Eugene Doningo.

Bago pa kasi ang nasabing mediacon ay ipinanood na sa lahat ng invited entertainment press and blogger ang first two episodes ng movie at walang eksena na hindi kami natawa lalo na sa parteng ipinagpipilitan ni Eugene kay Direk Joey Reyes na siya ang gaganap na Josephine Bracken.

Ibang klase talaga ang level ni Uge pagdating sa pagpa­patawa. Siya na ang pinakareyna sa lahat ng komedyanana sa pelikulang lokal. Makasisiguro ang manonood kasama na ang millennials na mag-e-enjoy sila sa very entertaining movie na ito na may historical touch.

Samantala pagkatapos paglaruan ang indie films at Pinoy rom-com, nagbabalik nga ang “Ang Babae sa Septic Tank” para magpatawa at kutyain ang paggawa ng isang historical biopic na pagbibidahan ni Eugene Domingo bilang isang bilib na bilib sa sarili at mapagmataas na bersiyon ng sarili niya.

Mapapanood na ngayong Hulyo 17 sa iWant ang “Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken,” ang ikatlong edisyon sa sikat na “Septic Tank” series na isinulat ni Chris Martinez at idinirek ni Marlon Rivera.

Sa bagong seven-episode na “Septic Tank” series, papatunayan ni Eugene na kaya niyang magdirek, bumida, at magprodyus ng una niyang pelikula tungkol kay Josephone Bracken, isang mestiza at ang huling kasintahan ni Jose Rizal.

Bilang direktor, papakialaman ni Direk Uge ang lahat ng aspekto ng pelikula, maging ang script, editing, costumes, na magdudulot ng gulo sa set. Kasa-kasama naman ni Eugene sa serye ang iba pang artistang gaganap bilang “bersiyon” ng kanilang mga sarili, kabilang na si Tony Labrusca na ika-cast bilang ang pinaka-machong Jose Rizal.

Makikipagkompetensya rin sina Mylene Dizon at Joanna Ampil sa isa’t isa bilang sina Narcisa at Saturnina, mga kapatid ni Rizal, para mapansin at mapuri ni Direk Uge.

Magsisilbing screenwriter ng pelikula ni Direk Uge ang award-winning director at writer na si Jose Javier Reyes na makakasalpukan niya sa pagkakukuwento ng naturang biopic.

Para naman patotohanan o pabulaanan ang mga detalye sa pelikula, tampok din sa “Septic Tank 3” ang kilalang historian na si Ambeth Ocampo para ibahagi ang mga totoong kuwento tungkol sa mahahalagang karakter sa kasay­sayan.

“Sa panahon ng pandaraya, fake news, at pagbabago ng kasaysayan ngayon, Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken ang pinakanakatatawa, pinakamahalaga, at pinakanakatutuwang series na mapapanood ninyo sa iWant at kahit saan pa,” ayon kay Martinez.

Bago mapapanood ang serye, maaaring panoorin nang libre sa iWant ang unang dalawang “Ang Babae sa Septic Tank” movies tungkol naman sa indie film industry at Pinoy rom-com.

Abangan ang pitong episodes nito simula 17 Hulyo sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …