Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DJ Kapitan Sisa dinadaga sa takot sa fake blind item laban kay Liza Soberano (Kinuyog ng LizQueen, kasong cyber libel nakaamba)

THE mere fact na humihingi ng apology ang bading na DJ ng Energy FM na si Kapitan Sisa o Glenn Dy, sa mga nadamay raw sa kanyang very malicious na fake blind item tungkol kay Liza Soberano na inakusahan at ipinagsigawan sa kanyang YouTube channel na dalawang beses nagpalaglag ang Kapamilya actress courtesy of her boyfriend Enrique Gil.

Ang paghingi ng tawad sa kanyang mga biktima ay isang malinaw na ebidensiya laban kay Kapitan Sisa na inaamin niyang nagkamali siya. But the damage has been done, at isa sa mga araw na ito ay nakatakda nang sampahan ng kasong cyber libel si Kapitan Sisa ng tatay-tatayan at manager ni Liza na si Ogie Diaz at may basbas dito ang ama ng actress na si Mr. John Castillo -Soberano.

Napakawalang kredibilidad, naturingan pa namang deejay ng isang FM Station pagkatapos kung ano-anong imbentong istorya ang ginagawa sa ating mga artista. And with all the stars, ay si Liza pa na napakaganda ng imahen ang kanyang pinagtripan at sinisira sa publiko.

Noong sira-siraan ng Kapitan Sisang ito si Liza ay parang sigu­radong-sigurado siya sa kanyang ibinabalita na mayroon daw buntis na artista na nasa ibang bansa at binanggit pa nito ang pangalan ni Enrique at clues na Palmolive (ineen­do­song shampoo ni Liza) at Forevermore, na patok na teleserye noon ng LizQuen.

Ngayong kinuku­yog siya ng LizQuen fans at idedemanda ay hugas kamay sa kanyang pani­bagong public apology ang dinadaga na sa takot na si Kapitan Sisa.

‘Yung artistang buntis raw na tinutukoy niya sa kanyang blind item ay walang kompirmasyon. Huwag mong ibahin ang istorya Teh, at panindigan mo ang kayabangan mo sa ginawa mong pag-lambast kay Liza.

Magkita na lang kayo sa korte ni Mama Ogie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …