Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Hunk aktor, paikot-ikot sa mall habang kalandian ang tatlong lalaki

NAWINDANG ang ilang mallers nang ma-sight nila ang isang hunk actor kasama ang kanyang tropa. Take note, puro boylet ang mga ‘yon gayong inaasahan pa naman daw ng mga utaw doon na ka-join ng macho actor ang kanyang girlfriend.

Na-disappoint kami kasi noong nagkakandahaba na ang mga leeg namin para makita siya nang malapitan, eh, puro boylet ang kalandian niya!” bungad ng isang saksing maller.

Dagdag-tsika pa nito, “Siguro mga tatlong lalaki ang ka-join niya, na paikot-ikot sa Rockwell (sa Makati City). Duda ko tuloy, eh, may bahid din ‘yung tatlong guys. Parang bisexual lang ang peg.”

Mistula raw kasing ginagalugad nila ang nasabing pasyalan ng mga Richie-richie para mag-boywatch.

“Tuloy, nakaka-attract sila ng atensiyon. It’s either ‘yung hunk actor lang ang bukod-tanging ‘paminta,’ at mga straight men ‘yung tatlong kasama niya. Basta ang landi-landi niya…nakaka-shock!”

Da who ang macho actor na itey na minsan na ring pinagdudahan ang kasarian? Itago na lang natin siya sa alyas na Bruce Kamandag.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …