Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, agresibo na kay Derek

MAY bali-balitang hindi lang basta close as co-stars sina Andrea Torres at Derek Ramsay; “more than close” raw sila.

Tumawa muna si Andrea bago sumagot, “Siguro hindi maiiwasan kasi magkatrabaho kami. Tapos ‘yung mga lumalabas pang trailer, ‘yung mga eksena, ganyan. Kasi in-love na in-love ‘yung dalawa sa kanya.”

Ang “dalawa” ay sina Jasmine de Villa at Juliet Santos-de Villa a.k.a Elaine Reyes (na pareho ngang ginagampanan ni Andrea) na nagmamahal kay Andrew de Villa, na karakter naman ni Derek sa The Better Woman.

Marami ang nagsasabing mukhang may atraksiyon sa kanilang dalawa.

“Actually ‘yung una namin pong scene together noong gumawa kami ng plug for GMA na summer plug, iyon nga po ‘yung sinabi nila, parang may chemistry.

“Natuwa po kami roon kasi at least magandang start iyon sa aming dalawa kasi magkakatrabaho kami.

“Never ko naman siya na-meet before, never rin niya akong na-meet before so for us, positive ‘yun, na may ganoon silang nakikita sa amin.”

Kumusta ang mga intimate scene nila ni Derek sa soap?

“Ang maganda po kasi sa set, kay direk at saka kay Derek, maalaga sila sa akin.

“Idini-discuss talaga nila kung ano ang gagawin, tapos si direk Mark as much as possible walang masyadong tao (sa set), tapos pinapanood din niya sa akin ‘yung shots.”

Paano ang halik ni Elaine kompara kay Juliet?

“Mas aggressive, mas may li_ _ _… ayokong sabihin ‘yung word,” at tumawa si Andrea. “Hindi, basta… mas aggressive.

“’Yung isa, siyempe mas love, mas careful.”

Hindi ba siya nao-awkward kapag hahalikan niya si Derek ng agresibo?

“Ako ano lang, hinga lang talaga ng malalim bago ang bawat eksena.”

Kumusta kahalikan si Derek?

“Okay naman po. Ha! Ha! Ha! Okay naman po. Very maalaga po talaga siya.”

Walang limitasyon si Adrea pagdating sa trabaho.

“Wala naman, wala akong naiisip sa ngayon.

“So far, sa soap na ito, lahat talaga, sa ikagaganda ng show.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …