Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, dream come true na makatrabaho si Direk Cathy

AMINADO si Alden Richards na fan siya ng direktor nilang si Cathy Garcia Molina. Kaya naman dream come true ang makatrabaho ang lady director.

Sa mediacon ng Hello, Love, Goodbye, sinabi ng actor na bago pa man siya mag-artista, fan na siya ng direktor.

“Gustong-gusto ko ang mga pelikula niya tulad ng ‘One More Chance.’ Lahat ng pelikula ni Direk, pinanonood ko. Pinangarap ko talagang makaarte sa kamera ni Direk,” ani Alden.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakatapak ng ABS-CBN ni Alden. Kuwento ng actor, “I was 14 when I came here. Nag-audition ako sa mga reality show nila. Medyo overwhelm, naninibago, hindi ko po ine-expect na ang isang GMA actor eh makakatapak sa ABS-CBN and I’m really thankful for the opportunity given to me specially the GMA for letting me do this film. Masaya po ako.”

All praise naman si Alden kay Kathryn dahil sa sobrang dedication nito sa trabaho. “We share the same passion sa acting. She wanted more, hindi nakokontento sa tama lang. Pareho naming mahal ang ginagawa namin. Na mayroon pa pala kaming higit na dapat malaman kaysa sarili namin. At nadagdagan ko ang kaalaman ko bilang aktor.”

Samantala, nagkita na pala before pa sina Alden at Daniel Padilla. “Nagkita na kami sa mga event pero hi and hello lang. Ito mas personal kasi nakatrabaho ko si Kath. Bale personal kong nakausap si Daniel noong pumunta si DJ sa tent naming pero rito na sa Pilipinas, hindi sa HongKong. Kasi noong nagkita kami sa HK, parang nagkahiyaan,  siyempre may mga ganoon talagang instance,” sambit ni Alden.

Kuwento pa ni Alden ukol kay DJ, “mabait si Daniel. Nag-congratulate siya sa pelikula naming at nagpasalamat siya na inalagaan ko si Kathryn. So, parang ang gaan lang ng pelikula kasi wala kaming nasagasaang tao. Natapos ang pelikula ng peaceful at hindi na kami makapaghintay na mapanood ninyo.”

At bago matapos ang mediacon, natanong si Direk Cathy kung ano ang masasabi niya kay Alden. Anang magaling na direktor, nadiskubre niyang hindi lang pala marunong umarte si Alden, bukod sa talagang mabait na bata, mahusay pala talaga itong actor na ikinasiya ng actor at biglang yakap na paluhod na nagtungo sa direktor na animo’y isang batang inaamo ang ina.

Dagdag pa ni Direk Cathy, maganda ang istorya ng pelikula at tiyak na maraming OFW ang makare-relate. Hindi lang ang galing sa pag-arte ng mga bidang artista ang ipinagmamalaki niya rito maging ang istorya nito na talagang uukit sa mga puso ng viewers.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …