Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, masayang makatulong sa acting workshop ng Artistarz Academy

KAHIT abala sa kaliwa’t kanang shooting at tapings, nagagawan pa rin ng paraan ng award-winning indie actor na si Tonz Are na makibahagi sa mga acting workshop. Tulad ng ginawa nila recently sa Artistarz Academy sa Gaisano Mall, Binangonan branch.

Saad ni Tonz, “I feel so happy and blessed that I was able to share my God given talent with these kids. Thanks Artistarz Academy Binangonan branch, kina Sir Prince Nicholson CEO, Cea Broso, Vice President, at branch manager Mommy Connie Caoagdan, maraming salamat for trusting me.

“Hindi ako magsasawang tumulong sa mga bata, lalo na’t may mga potential sila at mababait, siyempre sa mga parents na todo support mula 12 noon to 6pm ay talagang nakabantay po sila sa mga anak nila para saksihan ang workshop. Sa mga gustong mag-workshop pa, please visit Artistarz Aca­demy page, naro­on po lahat ng mga infor­mation for workshop.”

Nabanggit pa ni Tonz ang mga project na dapat abangan sa kanya. “Abangan din po ninyo soon ang aking bagong pelikulang Hiro under KnightVision Entertainment, sa direksiyon ni Marvin Gabas.

Ipalalabas na rin ito sa schools and selected cinemas sa August. Ako rito si Dos at may kasama akong tatlong clown na sina (Uno) Marco Delovino at (Tres) Jojo Lagudas, (Kuwatro) Fahad Pondugar. Kasama rin dito sina James Marco, Bojie Pascua, at ang bidang si Yuna Theodore Bañares.

“Plus itong Kid Kamao, isang action-drama film ni Direk Niel Talavera. Ako po rito si Kid Kamao, ang title role, kasama ko rito sina Maridel Pacleb, Glenn Darakan, Arthus Arboleda Rald Bassig, JM Fernando, Jay Melo, showing po ito this July 19 sa TCM Mall Pasay, 4pm.

“Regular na rin po ako sa SOCO sa ABS CBN at this Saturday 4pm, sa episode ko na Storage Box, kuwento ng isang teenager na itinapon sa Biñan, Laguna na naka-storage box. Also Mondays to Fridays 12 midnight, The 700 Club Asia sa GMA-7 naman po,” sambit ni Tonz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …