Thursday , December 26 2024
bagman money

POGO workers nagbabayad na ng P2-B withholding taxes monthly

ISA pang maituturing na tagumpay ng Duterte administration ang pinakahuling pakikipag­pulong ni Finance Secretary Cesar Dominguez sa mga operator ng offshore gaming.

Sabi nga, parang naka-jackpot daw ang pamahalaan dahil nagkasundo ang dalawang panig na magbayad ng P2 bilyon kada buwan para sa withholding tax ng Chinese workers na nagpupunta sa bansa para magtrabaho sa Philippine offshore gaming operators o mas kilala sa tawag na Pogos.

Sa kanilang pag-uusap, sinabing mayroong 130,000 Chinese Pogo workers na nagtatrabaho sa 50 licensed gaming firms na may operasyon sa bansa.

Sa totoo lang, konserbatibo ang bilang na ito kompara sa rami ng Chinese nationals na nakikita natin sa kapaligiran.

Sa palagay natin, kailangan pang magtrabaho ng intelligence group para alamin ang mga ‘nakatagong’ offshore gaming na baka mas malaki pa ang kinikita kaysa doon sa mga nagdeklarang legal sila.

Hindi lamang sa batas ng pagbabayad ng buwis dapat sumunod ang Pogos, kailangan din nilang tupdin ang mga regulasyon sa member­ship dues ng Social Security System at Pag-IBIG Fund.

Kung hindi tayo nagkakamali, malaki ang tinatanggap na suweldo ng mga Pogo workers, konserbatibo ang sinasabing P40,000 – P50,000 isang buwan na suweldo ng bawat isa.

Patuloy din ang pamumukadkad ng isang Kim Wong sa industriyang ito. Katunayan, ngayon pa lang ay inaabangan na ang kanyang operasyon sa isang isla sa Cavite, na sinasabing magiging pinakamalaking Pogo sa bansa.

Bantayan natin kung malaki nga ang maitutulong nito sa ekonomiya ng bansa at para sa katuparan ng mga proyektong makatutulong sa sambayanang Filipino.

Kayod pa Finance department.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *