Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano

Ogie, ipaglalaban kung ano ang tama

NAKATADHANA na yatang pumalaot ang kaibigan at kumpareng si Ogie Diaz sa larangan ng artist management. Dekada ’90 nang makasama’t makatrabaho namin si Ogie—Roger Pandaan sa tunay na buhay—sa Mariposa chain of publications. Agad kaming nagkagaanan ng loob.

That time, patnugot si Ogie ng isa sa mga magasin ng publikasyon—ang Teenstars—bukod sa nagkokolum siya sa apat pa nitong mga babasahin.

Glory days, ‘ika nga, ‘yon ng mga fan mags na mas tinatangkilik ng mga mambabasa more than tabloids na kakaunti lang ang nakalaang espasyo para sa mga showbiz balita.

Sa madalas na pagsama-sama ni Ogie noon kay Douglas Quijano (who also began his career in writing) ay maraming insights ang na-imbibe ni Ogie sa mundo nito, ang pagma-manage nga ng mga artista.

Mas lumawak ang network ni Ogie in terms of friends na hindi lang kinabibilangan ng mga kapwa niya showbiz reporter, rubbing elbows with directors tulad ni Joey Reyes na nagbigay sa kanya ng break via a sitcom (remember his character as Pekto?).

Despite his association with them, hindi naman na-uproot si Ogie sa larangan ng pagsusulat. But we must say na ginamit niya ‘yon to his advantage to further his career.

Sa mga hindi nakaaalam, ang kauna-unahang discovery ni Ogie bilang talent manager ay isang promising talent named Liza.

May mga pagkakataon pa ngang magkakasama kami noon at some comedy bar para i-expose ni Ogie ang kanyang alaga. Successfully, naihanap naman ni Ogie si Liza ng projects.

Until one day. Nagsumbong sa kanya si Liza dahil isang character actor (na hindi na namin babangggitin ang pangalan) was making advances at her. At hindi ‘yon pinalampas ni Ogie as he took appropriate course of action laban sa aktor na ‘yon.

Fast forward.

Talent manager pa rin si Ogie na hindi bumitiw sa larangang pinili niya over active showbiz writing. Alaga niyang maipagmamalaki ang isa sa pinakamalalaking bituin sa bansa, si Liza Soberno.

Presently, nasa mata ng kontrobersiya si Liza having been an unidentified subject sa isang napakamalisyosong blind item mula sa isang radio anchor, si Kapitan Sisa ng Energy FM station.

Bagama’t idinaan sa BI, iniulat ni Kapitan Sisa na nagbuntis daw ng makalawang beses ang isang young actress na pansamantala munang nagpapahinga ngayon. Naninindigan naman si Ogie na walang ibang pinatutungkulan ang nagbalita kundi ang kanyang alaga.

Ibang Liza noon, ibang Liza ngayon. At kung noon ngang bagito pa si Ogie sa artist management field ay nakuha niyang ipakipaglaban si Liza, ngayon pa bang sako-sakong bigas na ang kanyang nakain, kundi man trak-trak?

Go, Ogie, pursue what you believe is right nang maturuan naman ng leksiyon ang mga taong gusto lang mag-ingay kaysa mamuhunan ng kredibilidad!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …