Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janah Zaplan, potential hit ang bagong single na More Than That

SOBRA ang kagalakan ng talented na recording artist na si Janah Zaplan last Sunday dahil bukod sa selebrasyon ng kanyang 17th birthday, launching din ng kanyang single and music video na More Than That.

Ang naturang event ay ginanap sa PVL Buffet Restaurant, Mandaluyong City at dinaluhan ng mga malalapit kay Janah sa pangunguna ng kanyang pamilya, mga kapatid, at parents na sina Mr. Boyet at Mrs. Dencie Zaplan.

Ano ang na-feel niya nang nakita ang music video?

Tugon ni Janah, “Bale po sobrang happy ko po dahil talagang pinaghan­daan at pinaghirapan namin ang music video na ‘yun para maging ganoon po kaganda ang kalalabasan ng video. Sa totoo lang po, sobrang saya po niyang gawin, kasi para lang po akong bata na nag-eenjoy sa mga ilaw ilaw at the same time masaya rin po ‘yung mga taong nakatrabaho ko sa video.

“Ang mga tao po sa likod ng music video at ng song na gusto kong pasalamatan ay Z Productions po ‘yung nag-produce, with Direk Vince, Sir Kosh, Sir Paulo Zarate who wrote More Than That, Sir Jon, Sir Fil, ‘yung sa lights po, studio, ‘yung Power Impact Dancers, and of course my mom and dad po,” esplika ng tinaguriang Millennial Pop Princess.

May input ba siya sa kanyang music video? “Habang pinaplano po kasi ‘yung music video, dalawa po ‘yung pinagpipilian, either narrative or studio type. Pero since ‘yung dati ko pong music video is narrative ginawa, kaya we pushed through ‘yung studio and the team and I looked for pegs na puwedeng ma-incorporate sa song.”

Ano ang birthday wish niya? “Wish ko lang po talaga is to make the people around me happy and proud of what I am doing. Also I would just like to thank God for everything.”

Nagbigay din siya ng message sa kanyang mom and dad, pati na sa kanyang fans. “Basta po sobra-sobrang pasasalamat lang po talaga sa kanila, ‘di ko po alam paano ko maipapakita sa kanila ‘yun, pero ‘yun po talaga ang nararamdaman ko, mahal na mahal ko po sila and I am just very lucky to have them.”

Anyway, maganda ang single niyang ito mula Ivory Records at nakaiindak talaga. Tiyak na magugustuhan ito ng kapwa millennials ni Janah at ng lahat ng music lovers. Potential hit ang single ni Janah lalo na kung mapo-promote nang husto. Ang More Than That ay available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …