Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Special assistant to the mayor ng Ilagan, sasabak na rin sa showbiz

SUSUBUKAN ni Ricky Laggui ang mundo ng showbiz sa pamamagitan ng isang advocacy film titled Mammangi: Abot Kamay Ang Pangarap. Makakasama rito ni Mr. Ricky sina Jay-R Ramos at Jayve Diaz, na isang Konsehal naman sa Ilagan, Isabela. Ito’y under ng ROMMantic Entertainment Productions at pamamahalaan ni Direk Romm Burlat.

Si Mr. Ricky ang Special Assistant to the Mayor ng City of Ilagan na si Honorable Mayor Jose Marie ‘Jay’ Diaz.

Ayon kay Direk Romm Burlat, ang ibig sabihin ng mammangi ay corn farmers dahil ang Ilagan ay corn capital ng Filipinas. To be shot entirely in Ilagan, ang pelikula ay isang light drama.

Sa aming short interview kay Mr. Ricky, inusisa namin ang reaction niya na isasama siya ni Direk Romm sa movie? ”Ganoon yata po iyong plano ni Direk Romm,” wika niya.

May experience na ba siya sa acting? “Well, maarte lang po siguro, hahaha!” Pabirong saad pa niya. Napag-alaman din na­min kay Direk Romm na kasa­ma si Mr. Ricky sa bibigyan niya ng acting work­shop sa Ilagan, Isabela.

Inusisa rin namin kung sino ang idol niyang actor? “Kasi ang kuwan natin, ‘yung paborito natin ay si FPJ, iyong mga action star… Si Coco Martin po ngayon, pinapanood ko iyong TV series niya sa ABS CBN. Okay po si Coco,” aniya.

Ano ang gusto niyang project, drama, action, horror? “Si Direk Romm na po ang bahalang titingin kung ano ang capability natin, kung puwede sa action… okay naman po. Pati commercial ay may gagawin din kami para sa isang chicken company at ipo-promote din ang magagandang tanawin sa Ilagan, Isabela at ‘yung major businesses dito,” saad ni Mr. Ricky.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …