Samantala, aminado siyang bago pumasok sa kampo ay hindi pabor ang girlfriend na si Sarah Geronimo sa naging desisyon niya, pati na rin ang pamilya niya.
“Sila lahat ayaw dahil baka masaktan daw ako, mga ganyan. Sa umpisa ayaw pa rin nila. Sabi nila, ‘You’re in the middle of your career. You’re 29 years old. You’re in show business. Why would you leave everything behind?’
“But I felt like this is an opportunity of a lifetime. A skill set, lessons learned that nobody can take away. So I had to do it. Okay naman. Masaya naman sila na successful lahat.
At nang bumisita nga si Sarah at ang pamilya niya sa kampo ay napakasaya niya dahil talagang na-miss niya ang mga ito. Buti nga hindi siya nakita ng mga ito noong mga unang araw niya sa training camp.
“Buti dumalaw sila after a week so medyo emotionally stable na ako. Noong dumalaw sila ipinasyal ko sila sa ranger camp at na-shock sila kasi iba eh, siyempre military ‘yung buhay nila roon so I’m blessed to be given the opportunity. So na-accomplish ko naman,” kuwento pa ng limang taon nang kaakibat ng Sunlife.
Ipinagpasalamat din ni Matteo ang pagiging supportive-GF ni Sarah. At kahit alam niyang nag-aalala ito sa kalagayan niya sa training ay matapang pa rin nitong sinusuportahan ang kanyang mga pangarap.
”Sabi ko, ‘Love, naawa ka ba sa akin?’ Sabi niya, ‘Eh gusto mo ‘yan eh. Bahala ka na.’ Ha-hahaha!” sambit pa ni Matteo.
Hindi rin malilimutan ng binata ang graduation nila kamakailan dahil naroon si Sarah at ang pamilya niya,”It was very emotional. Masaya, hindi ko talaga ‘yun makalilimutan sa buong buhay ko.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio