ISANG 21 year-old Batanguena ang nakasungkit ng Miss Charity special award sa Miss Philippines Tourism Queen International na idinaos sa China kamakailan.
Graduate ng business administration si Cheska Loraine Apacible na nakipag-compete with 35 other candidates.
Ang nasabing pageant ay brainchild ng tumatayong Pangulo nitong si Vic Torre. Naisisingit nito ang pagiging abala sa cause-oriented project na ito sa kabila ng kanyang involvement sa medical service business, having put up a number of hospitals in UAE.
Layunin ng Miss Philippines na lalo pang paigtingin ang pagkakagawanggawa sa mga taong nangangailangan, bukod sa pagpo-promote ng maraming magagandang tanawin na matatagpuan sa bansa.
Naniniwala naman si Cheska o Kai na marami tayong mga likas yaman o natural resources na maaari nating ipagmalaki sa buong mundo bukod sa ating hospitality na trademark nating mga Pinoy.
“’Di ba, Liza Endaya?
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III