MATAGAL na pala talagang pangarap ni Matteo Guidicelli ang mag-undergo ng training bilang Scout Ranger.
Anang binata pagkatapos ng paglulunsad ng Sunlife Kaakbay sa Buhay na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza noong Sabado, ”Twenty nine years old na ako at dati ko pa gustong gawin. I found the opportunity. Scout Rangers open the doors, they give me the opportunity, that’s why I said, I want to join right away.”
Itinuturing namang ‘best experience of his life’ ni Matteo ang ginawang training. ”Sa umpisa sobrang hirap. Maraming beses, specially the first week gusto ko mag-give-up,” anang binata na ang tinutukoy niyang training ay ang elite force of Philippine Military na pinakamahirap na training na ginagawa.
“Mahirap talaga siya, not only physically but also Psychologically. Itong psychologically ang nagpasira sa akin dahil from civilian life dumiretso ako sa military the next day. So medyo na-war schock ako na tinatawag ba. But sobrang supportive ang military. May mga councelling, life coaches na kinakausap ako.
“Kina-councel ako so naging okey naman ako,” pagbabahagi pa ni Matteo.
At nang tanungin kung ano ba ang natutuhan niya sa training, sagot ng actor, ”’Yung pinaka-learning ko roon ay ma-enjoy ang pinaka-basic sa buhay. Kahit nasa bundok ka ng apat na araw o isang lingo. ‘Yung isang lingo, isang hangin lang parang heaven na, parang nasa five star hotel ka.
“Second ‘yung respeto ko sa mga sundalo natin. Lalong tumaas ang respeto ko sa kanila. Hindi ko mai-describe. ‘Yung sakripisyo nila para sa bayan, para sa pamilya nila, to protect us.”
Nakatulong din ang nasabing training para lalo siyang maging humble at i-appreciate ang buhay. ”Natutulog kami sa lupa, sa sahig, ‘yung liguan naming nasa river, lumulublob kami sa kanila, mga ganyan. Talagang nag-humble sa akin at it gave me to appreciate life.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio