Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating sundalo, bilib sa katatagan at stamina ni Matteo

MAPALAD kami na makakuwentuhan ang isang dating sundalo na ngayo’y isang university professor.

Pakiusap lang niya na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan dahil sa military protocol. Pero ganoon na lang ang paghanga niya kayMatteo Guidicelli na kamakaila’y nagtapos ng kanyang Scout Ranger Orientation program.

Ayon sa kanya, hindi biro ang rigid training na pinagdaanan ng actor na karaniwang kinukuha lang ng mga nasa military service na. ”Civilian kasi siya, at nag-volunteer lang siya.”

Forty to 45 days ang inaabot ng buong training para sa mga scout rangers na karaniwang ginaganap sa Camp Tecson sa Bulacan na mala-gubat ang paligid.

Ang unang tatlong lingo nito’y pahirapan sa paggising. As early as 3:30 ng umaga’y tumatakbo na ang mga trainee sa kagubatan sa lawak na 20 kilometro sa loob ng dalawang oras.

Bitbit nila sa umpisa ang limang kilong sandbag hanggang madagdagan ito hanggang 20 kilos. By 6:00 a.m/ ay maglulublob na sila sa putikan.

Alas otso hanggang 10:00 a.m. ay mayroon silang lecture. After lunchbreak ay sabak uli sila sa training.

Ang pinakamatindi ay ‘yung huling lingo na kung tawagi’y Hell Week. Sa mga sasablay dito’y maaari silang dumanas ng torture.

Sobrang bilib nga ang mga ex-soldier-source sa tatag ng loob at stamina ni Matteo. Sisiw na lang sa kanya ang mga physically demanding roles na maaari niyang gampanan sa mga maaaksiyong teleserye o pelikula.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …