GUSTO bang maging house speaker ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, para maglingkod sa interes ng tao at bayan?
O sinusungkit niya ang posisyong ito, para sa kapangyarihan at impluwesniya na maisulong ang interes ng kanyang bilyonaryong benefactor?!
Tanong ito ng maraming spectator dahil mukhang binabalewala ng mambabatas ng Marinduque ang 15-21 term sharing na binasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipag-utos ni Duterte sa naganap na Cabinet meeting noong 1 Hulyo na ipatupad ang 15-21 term sharing kina Taguig congressman Alan Cayetano at Velasco.
Unang mauupo bilang speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan at susundan ni Velasco sa loob ng 21 buwan.
Ayon sa source, inutusan ni Digong ang tatlong cabinet secretaries para magpatawag ng pulong sa mga kongresista para sa pagpapatupad ng 15-21 term sharing upang matapos na ang isyu sa pilian ng speaker at masimulan na ng kamara ang paglalatag ng legislative agenda ng administrasyon.
Ang sabi, binigyan ni Digong ng ultimatum si Velasco dahil ‘medyo’ naiinis na raw ang pangulo lalo’t pinalalabas umano ng mambabatas ng Marinduque walang usapang term-sharing kahit kinompirma ng punong ehekutibo sa kanyang speech.
Ngunit sa kabila nito, nananatiling matigas ang ulo ni Velasco dahil patuloy niyang sinusuway si Digong. Kesyo makikipagkonsultasyon pa raw siya kay Inday Sara at kay Reo. Pulong Duterte.
Para yatang ‘di naiintindihan ni Velasco na mistula siyang iniwan sa kangkungan ng magkapatid na Duterte dahil maging si Pulong nagbabalak na rin makisawsaw sa speakership at ang Hugpong ng Pagbabago naman ni Inday Sara, nag-endorse na rin ng speaker candidate, si Rep. Ungab.
At tila, nakombinsi pa si Velasco na suwayin ang pangulo sa pahayag ni Sen. Koko Pimentel na nagsabing payag na sila sa term sharing pero si Velasco ang dapat maunang umupong speaker.
Ano ba naman itong si Velasco, sobrang tigas ng bungo!