NAKATANGGAP ng mga papuri ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V. sa kanyang co-actors sa pelikulang Family History produced by GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ang production company nila ng asawa niyang si Carol Bunagan.
Pinuri nila hindi lang ang pagiging lead actor ni Bitoy (palayaw ni Michael V.) kundi pati na rin ang pagiging writer, producer, at director ng pelikula, na napagtagumpayan gawing lahat ni Bitoy.
Kaya si Bitoy thankful sa kanyang mga kasama sa pelikula. “Siyempre elated na elated, thankful. To be fair to them, hindi ko naman sila kinuha dahil trip ko lang o ano, pero dahil sila talaga ‘yung karapat-dapat na ilagay sa movie na ito. Hand-picked talaga itong mga ito,” sabi ni Bitoy.
Na-proud nga si Bitoy sa buong cast ng pelikula sa pangunguna ng leading lady niyang si Dawn Zulueta kasama rin sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, John Estrada, Paolo Contis, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, Ina Feleo, Mikoy Morales, Nikki Co, Jemwell Ventenilla, Vince Gamad and with the special participation nina Dingdong Dantes at Eugene Domingo.
Very proud din si Bitoy sa kanilang finished product. Napanood na niya ang buong pelikula at ang reaksiyon niya, “Very satisfied ako. Si Misis, nag-uusap kami palagi niyan eh, kasi kami nga ang nag-co-prod, ‘di ba, for Mic Test Entertainment. So, nag-uusap kami habang ginagawa namin ‘yung movie, nagtatanungan kami, ‘Ano gagawa pa ba tayo ng isa pa?’ ‘Naku, parang huwag muna.’ ‘Yun pa rin ‘yung stand niya, pero ako noong makita ko… noong matapos ‘yung movie, ‘Puwede na tayong gumawa ng isa pa!’”
Sulit nga lahat ng pagod at hirap sa paggawa ng pelikula pati na ang laki ng production cost. “Yes, sulit ‘yung experience, sulit lahat for me lalo na noong nag-cinema test. The whole movie okay, wow! At saka ‘pag nakikita ko ‘yung reaksiyon ng first time na makapanood kasi siyempre hindi naman lahat kasama all the way eh, na kasama from the beginning ‘yung iba. Like for example, ‘yung in-charge roon sa cinema, nakita ko ‘yung reaksiyon niya, sabi ko, ‘Okay na ako!’”
Na-proud din ba si Bitoy sa asawa niyang si Carol sa pag-handle nito sa movie as executive producer? “Oo, alam mo more than anybody else siya ‘yung pinakamahirap ang trabaho eh. Eh ako minsan parang hindi ko na alam kung paano iha-handle ang sarili ko, pero siya for some reason, kaya niya,” papuri ni Bitoy sa asawa. (GLEN P. SIBONGA)