Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, kina Daniel o Arjo dapat itinambal

MAITUTURING na ambitious project ang kauna-unahang wide screen partnership nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa kabila ng magkaiba nilang mundo (home network), napagsama nga ang dalawa with either of them setting aside his/her long-time partner: si Daniel Padilla kay Kathryn, si Maine Mendoza kay Alden.

Ang inakala ngang isang suntok-sa-buwang pagsasama nina Kat at Alden ay isa nang realidad not even their respective fans have ever imagined.

Ewan kung magandang senyales ito para tuluyan nang matuldukan ang kuompetisyon ng mga estasyong kinabibilangan nina Kat at Alden.

But as if to further narrow the existing network gap ay kasado naman ang pelikulang pagsasamahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

‘Yun nga lang, unlike the Kat-Alden tandem ay mahina ang dating ng kina Maine at Carlo.

Status-wise, hindi isang napakalaking pangalan si Carlo compared to actors his age mula sa ABS-CBN. Oo, mahusay kung mahusay na aktor si Carlo pero hindi siya gaanong bankable unlike Daniel, James Reid, Joshua Garcia or Enrique Gil.

Pero pagdating sa acting, kakabugin ni Carlo ang mga ito maliban kay Joshua.

Kung kinuha rin lang ng Star Cinema ang serbisyo ni Maine, it might as well find a leading man na kasing de-kalibre ni Alden plucked from ABS-CBN.

Matatandaang isa sa mga huling pelikula ni Carlo ay tinampukan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban. Ginamit pa ngang publicity slant ang kuno-kunong pagmamabutihan nilang muli, but sadly, hindi ‘yon nakatulong to ensure box office success.

Ang lagay na ‘yon, eh, magdyowa pa sila rati, ha? How much more ang partnership nina Carlo at Maine na mukhang imposibleng magkadebelopan?

Kung kami ang Star Cinema, it’s either Daniel or Arjo Atayde ang kinuha namin as Maine’s leading man.

‘Ika nga, pre-sold na ang pelikula. With Daniel, magandang anggulo ‘yung swapping of partners. With Arjo, isang paglundag ‘yon mula sa real-life romance crossing over cinema.

Mas may thrill at excitement. Mas may element of kilig kaysa Carlo-Maine na hahanapan pa ng slant to the point of trying hard.

Kundi man very trying hard.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …