PANGATLONG project na ni Jef Gaitan kay Direk Anthony Hernandez ang pelikulang Marineros. Ang naunang dalawa ay Surrogate Mother at ang Silent Morning.
Tapos nito ay isinabak din si Jef ni Direk Anthony sa latest movie nito sa Golden Tiger Films titled Marineros. Paano niya ide-describe ang pelikulang Marineros?
Sagot ni Jef, “Iyong movie na Marineros, it’s a story about ‘yung mga seaman, ‘yung mga nagtatrabaho sa cruise, mga nagtatrabaho sa barko. Kasama ko riyan sina Michael de Mesa, Ahron Villena, Valerie Concepcion, Claire Ruiz, Jon Lucas, Alvin Nakasi, Moses Loyola, Paul Hernandez, at iba pa.
“Gumaganap ako rito bilang isang escort service sa mga DOM, iba-iba ‘yung kliyente niya. Bale rito, maa-associate ako sa isa sa main character.”
Nagpa-sexy ba siya sa movie? “Ito ‘yung escort na parang revealing iyong outfit, medyo social, pero nakabihis naman, iyong hindi halata… More on landi-landian lang bale, hahaha!”
Anong masasabi niya sa co-stars sa Marineros at kay direk Anthony? “Well, sa mga co-stars ko, like Claire, ni Valerie, ni Ahron, mga nakakasama ko na sa trabaho ‘yang mga iyan, e. So, alam kong magagaling talaga sila, magaling umarte, dedicated sa craft nila, dedicated sa trabaho, passionate actors. Tapos well bonded naman kami, lalong-lalo na kami ni Val, tapos recently sa mga racket, magkasama kami ni Val, so, okay ang work namin.
“Si Direk, gumawa siya ng movie na ang cast ay buong-buo ang ibinibigay sa mga role nila. Kapag trabaho, trabaho talaga. ‘Yung ‘pag nandito ka, alam mong may matututuhan ka sa kanila. At hindi lang basta trabaho, ‘yung mayroon ka rin mabubuong friendship. Alam ko, sinasabi nila, sa showbiz, walang kaibigan talaga. Pero sa mga ito, nakahanap ako ng mga kaibigan. Kaya enjoy akong katrabaho sila at si Direk Anthony.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio