Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dimples, umeksena kina Trump at Duterte; Beauty, ‘di nagpakabog

KAALIW ang iba’t ibang pictures ni Dimples Romana na naglalabasan kaugnay ng pagsisimula ng Book 3 ng Kadenang Ginto.

Marami nga ang naaliw sa sinasabing 2019’s Most Memed Teleserye Character, ang karakter ni Dimples na si Daniela Mondragon.

Hindi rin nagpakabog ang katunggali ni Daniela sa Kadenang Ginto na si Romina na ginagampanan ni Beauty Gonzales dahil mayroon din siyang sariling meme’s.

Kumakalat ang picture ni Daniela sa iba’t ibang lugar, hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Suot ang pulang damit habang hila-hila ang isang maleta, naispatan si Daniela hila-hila rin ang isang kalabaw sa isang lubog sa tubig na lugar. Mayroon din rito si Romina na animo’y nagsa-sunbathing naman gayundin sa isang putikang lugar.

Nakita si Daniela sa Plaza Heneral Santos, sa underpass na parang sa may Quezon Avenue, sa may beach, sa isang paliparan, sa shooting ng FPJ’s Ang Probinsyano, sa pantalan, Idol Philippines, Bb. Pilipinas at kung saan-saan pa.

Mayroong ding picture si Dani Gurl na kasama si Mar Roxas at Vice Ganda.

At hindi pa riyan natapos ang paglalakbay ni Dani Gurl dahil nakita rin siyang kasama si President Trump ng US habang bumababa ng eroplano, gayundin ni Pangulong Rodrigo Duterte, Japan Prime Minister at iba pa.

Maging si Sylvia Sanchez ay naaliw sa napakaraming memes ni Dani Gurl. Sa IG post ni Ibyang, sinabi nitong pinasaya siya ng anak-anakan niya dahil sa mga picture na naglalabasan.

Iba talagang umeksena si Dimples, ani Sylvia.

Aniya, (@sylviasanchez_a), ”Hahaha pinasaya mo monday ko nak @dimplesromanadi ko kinakaya tong palengke at kalabaw hahaha (tnx sa mga gumawa nito at napasaya nyo ako)

Iba ka talaga nak pag umeksena, kasi nilalagay mo buong puso mo sa lahat ng ginagampanan mo, niyayakap mo buong buo ang role mo kaya ito resultakakaproud ka sobraþ galing galing mo dimples nak

Hahaha nyeta! Di pa din matapos tapos halakhak ko dito hahahaha

Miss u and love you too my Amanda #kadenangginto #abscbn #kapamilyagold #happymonday 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …