Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhed Bustamante, wish makatrabaho si Robin Padilla

MULA nang mai-feature si Rhed Bustamante sa Rated K ni Kori­na Sanchez last year, malaki na ang ipinagbago ng buhay ng talented na child actress.

Bukod sa napabilang si Rhed sa casts ng top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na tinatampukan ni Coco Martin, kasali rin siya sa forthcoming horror movie na Sunod. Ito’y mula sa film company ng direktor na si Paul Soriano at tinatam­pukan nina Carmina Villaroel, Krystal Brimner, at Mylene Dizon, directed by Carlo Ledesma.

Tiyak na mas lalo pang hahataw ang career ni Rhed dahil nasa pangangalaga na siya ng Mannix Carancho Artist and Talent Management ng kilalang businessman at owner ng Prestige beauty brand na si Mannix Carancho. Katuwang ni Mannix sa Talent Management venture na ito ang PR & Marketing Consultant ng Pres­tige na si Amanda Salas.

Ipinahayag ni Rhed na tina­tanaw niyang malaking utang na loob kay Coco ang pagiging aktibo niyang muli sa showbiz. “Nagpapasalamat po ako nang sobra kay Kuya Coco, malaki po talaga ang nabago… like may bago na po kaming tinitirahan, may sasakyan, may business din po, sari-sari store. Wish ko po na magtuloy-tuloy na po ito at more projects to come,” wika niya.

Ano’ng gusto pa niyang project sa TV at movies? “Gusto ko po sana sa isang show, nandoon na

lahat, may drama, may comedy, may action, para po… gusto ko kasing ma-challenge ‘yung sarili ko. Na may bago na naman po sa akin.”

Bakit ang husay-husay niyang umarte? May pinaghu­hugutan ba siya? “Yes po, isa sa inspiration ko po ‘yung family ko. ‘Yung kuya ko, si ate, si mama, lahat po sa family ko, inspiration ko. ‘Tsaka lahat po ng sumusuporta sa akin, sila po ‘yung inspiration ko para galingan ko pa po sa pag-acting.”

Sino pa ang gusto niyang makatrabaho? “Kasi po, rati pa po talaga ang pinakagusto ko pong makatrabaho si Kuya Robin Padilla po. Kasi napapanood ko po mga movie niya. Sobrang cool po niya, kaya gustong-gusto ko po siyang makatrabaho,” saad ni Rhed na idinagdag pang wish niyang makasama rin sina James Reid at Daniel Padilla.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …