Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheree, may hatid na suwerte ang Koi paintings

PATULOY sa pag-arangkada ang career ng dating Viva Hot Babe na si Sheree.

Bukod sa magandang role niya sa top rating TV series na Kadenang Ginto ng ABS CBN, si Sheree ay nagiging establish na rin bilang DJ, singer/songwriter, at pole dancer.

Bukod sa pagigng aktres, ang isa pang malapit sa puso niya ay pagkanta. Ayon kay Sheree, first love niya talaga ang singing at ang music. Pero, ang hindi alam marahil ng iba na ang talent ng Viva Artist Agency na si Sheree ay isa rin mahusay na painter.

Nagkuwento ang talented na sexy actress ukol sa pagiging painter niya. ”Magkakaroon ako ng painting exhibit sa New York with acoustic live show. Iyong series na gagawin ko is my lucky paintings, ‘yung pinaka­masu­werte sa work na nagawa ko is ‘yung 9 lucky koi. It brings luck sa clients ko and at the same time sa sarili ko.

“Iyong paintings ko, iba-iba, I customise it according sa needs ng client. I let them write nine aspects in life na wish nilang to have or makamit and I use the colors and composition ng art­work ko, base rito. And actually po, pinapa-feng shui ko pa po ito.”

Nag-eenjoy ba siya sa pagpe-paint? “To answer your question, yes, nag-eenjoy ako nang sobra and happy po ako. Happy po ako kapag nabibigyan ko po, naise-share ko po ‘yung energy ko through my talent which is painting, para roon sa client ko.

“So masaya po ako kapag sinasabi nila, ‘pag naririnig ko na sinasabi nila na sinusuwerte sila simula nang nabili nila ‘yung Koi painting ko. Masaya akong pa­king­gan ‘yun dahil alam kong naita-channel ko sa kanila ‘yung positive energy while nagpe-paint ako.

“So, kapag nasa bad mood ako or may sakit ako or I’m not feeling well, hindi ako nagpipinta. It really takes time for me to paint those paintings para maibigay ko ‘yung best ko at ‘yung positive energy ko roon sa painting, para naman ‘yun din po ang energy na maibibigay ko sa mga clients na bibili ng artwork ko.”

Dagdag ni Sheree, “Sa Sept. 13-16 ‘yung exhibit sa New York at makakasama ko rito ‘yung friend ko na si Anne Bek, dati ko siyang producer sa Singapore na lumipat sa New York city at nag-paint na rin siya.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …