Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenken Nuyad, gustong sumunod sa yapak ni Eddie Garcia

ANG award-winning child actor na si Kenken Nuyad ang isa sa labis na nalungkot sa sina­pit ng veteran actor na si Eddie Garcia. Isa si Kenken sa naki­ramay sa burol ni Manoy Eddie.

Nabanggit ng Kapamilya child actor na nanghihinayang siya dahil hindi nagkaroon ng chance na makatrabaho si Manoy. ”Sobrang lungkot po nang nabalitaan ko ang nangyari sa kanya, kasi po idol ko po siya. Idol ko po silang dalawa ni Kuya Coco Martin dahil wala silang arte sa katawan, mabait sila sa fans at sa mga taong nakapaligid sa kanila.

“Nanghihinayang po ako dahil hindi ko siya naka-eksena sa Probinsyano, pero na-meet ko na po siya sa Gawad Pasado awards,” saad ni Kenken.

Pahabol niya, “Gusto ko po siyang makasama sa isang pelikula sana at sabi ng asawa po niya ako raw ang susunod na Eddie Garcia. Nagpunta po kasi kami sa burol niya. Gusto ko pong sundan ang yapak niya, kung puwede po sana.”

Si Kenken ay mapapanood very soon sa pelikulang The Fate ni Direk Rey Coloma. Kasa­ma niyang bida rito sina Kelvin Miranda at Elaiza Jane.

Sa ngayon ay tuloy pa rin siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano at umaasa si Ken­ken na in the future ay magka­roon siya ng entry sa Metro Manila Film Festival.

“Sa ngayon po ay naghi­hintay ako ng marami pa pong project at gusto ko po makasali sa MMFF. Gusto ko po kasing makasakay sa float at makasali sa parade ng mga bituin,” naka­ngiting saad ng 10-year old na si Kenken na so far ay naka­sung­kit na ng tatlong acting awards.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …