PAULIT-ULIT na itinanggi ng tatlong partido politikal na inendoso nila ang speakership bid ni Cong. Lord Allan Velasco, kabilang na rito ang mga miyembro ng PDP-Laban, ang partidong kinabibilangan mismo ni Velasco, ang Party-list Coalition at ang Nationalist People’s Coalition o NPC.
Nagsulputan ang mga ‘denial statements’ ng naturang mga partido matapos ipalabas ng kampo ni Velasco ang kopya ng multi-party manifesto of support para sa kanyang kandidatura.
Ayon kay Ako Bicol Party List Cong. Alfredo Garbin, wala pang pinagkasunduan ang 54 party-list solons kung sino ang susuportahang speaker. Kung pumirma man daw ang kanilang pinuno na si Cong. Mikee Romero sa manifesto, ito ay kanya lamang sariling desisyon at hindi ng buong party-list coalition dahil kailangan pa nilang magpulong tungkol dito.
Hindi rin pinalampas ni Kalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang ginawang pagpirma ni Romero sa manifesto. Unfair aniya sa ibang party-list solons na sabihin ni Romero na si Velasco ang kanilang inendoso.
Maging si Senate President Tito Sotto ng Nationalist People’s Coalition ay nasorpresa sa lumabas na manifesto at sinabing wala pang desisyon ang NPC tungkol sa speakership.
Sariling desisyon lang daw ng dalawang NPC solons ang pagpirma sa manifrsto at hindi ng buong NPC dahil patuloy pa ang kanilang konsultasyon kung sino ang susuportahang speaker.
Inamin ni Albay Rep. Joey Salceda na walang ginawang konsultadyon sa mga miyembro ng PDP-Laban bago ihayag ni Sen. Pacquiao.
Mahalaga aniya na hindi lamang ang mga lider ng PDP-Laban ang magdesisyon kundi buong partido at lahat ng miyembro nito.
Binira din ni Davao Cong. Pantaleon Alvarez ang ginawa ni Pacquiao dahil hindi nasunod ang kasunduan na hihintayin nila ang desisyon ni PRRD kahit sinabi nitong ayaw na niyang makialam sa usapin.
Nakupo Cong. Velasco, palpak ang mga strategy ng kampo ninyo.
Ayan at nagba-backfire na sa inyo. Tingnan niyo ang idinulot ng mga ‘fake news’ ninyo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap