Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez at Aiko Melendez, nagtabla sa Best Actress sa 2nd SBIFF

NAGTABLA bilang Best Actress sina Sylvia Sanchez at Aiko Melendez sa 2nd Subic Bay International Film Festival na ginanap last Sunday, June 23 sa Harbor Point Ayala Mall sa Subic Bay Freeport Zone.

Si Ms. Sylvia ay nanalo para sa pelikulang Jesusa ni Direk Ronald Carballo. Dito’y gumanap ang Kapamilya aktres bilang isang misis na iniwan ng kan­yang asawa nang sumama sa kanyang kerida. First time siyang gumanap sa papel na adik na nasa bucket list daw ni Ms. Sylvia.

Si Aiko naman ay para sa pelikulang Tell Me Your Dreams na mula sa direksiyon ni Anthony Hernandez. Ang papel dito ni Ms. Aiko ay isang ulirang guro sa liblib na tribu ng mga aeta.

Bago ang awards night ay pinalad kaming maka-usap mismo sina Ms. Sylvia at Aiko, at kapwa sila nagpahayag sa amin ng paghanga sa husay ng bawat isa.

Parehong hindi nakadalo ang dalawa sa award’s night ng filmfest na pinamumunuan nina SBIFF filmfest directors Arlyn Dela Cruz-Bernal at Vic Vizco­cho Jr., dahil kapwa may prior commitments ang dalawang premyadong aktres.

Ang kaibigang si Ynez Veneracion ang kumuha ng award ni Ms. Sylvia. Si Ynez ay nanalo rin bilang Best Supporting Actress sa parehong pelikula. Si Direk Anthony naman ang kumuha ng tropeo ni Aiko.

Sa naturang event ay pina­rangalan ang award-winning actress na si Nora Aunor bilang Philippine Cinema Icon Award. Nagkaloob din ng special cita­tions para kina Perla Bautista (Philippine Cinema Milestone Award), Rose Galang at Shane Carrerra (Future of Cinema Award), Rendezvous (Dis­covery Award).

Ang ilan pa sa nanalo ay: Best Movie: Kids at War; Best Director: Hubert Tibi-1957; Best Actor: Ronwaldo Martin-1957; at Best Supporting Actor: Richard Quan- 1957.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …