Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman, magko-concert kahit walang hilig sa kanya ang kanta

SA kabila ng pagiging busy, wari’y kulang pa yata ang mga makabuluhang gawain ni Senator Manny Pacquiao na balitang magkakaroon ng major concert sa September 1.

Ilang beses nang naiulat na numero unong absentee ang boxer-turned-politician sa Senado, eto’t may dahilan na naman siya para lumiban sa mga session bilang paghahanda sa kanyang kauna-unahang concert.

Naalala tuloy namin ang guesting ni Pacman sa Startalk ilang taon na ang nakararaan. Kapapanalo lang niya noon sa kanyang laban.

Bukod siyempre sa karaniwang sit-down interview kung ano ang kanyang pakiramdam sa pag-uwi na naman ng karangalan para sa bansa ay may bonus na gimik ang live guesting na ‘yon ni Pacman to spice up the segment.

Ang gimik na ‘yon ay ang pakantahin ang Pambansang Kamao. Pinili niyang awitin ang kantang Sometimes When We Touch.

Pumagitna si Pacman sa platform na nagsilbing stage. Pumasok ang intro ng kanta. Sa bandang refrain ay doon na nagkaroon ng ibang direksiyon ang pasable na sanang rendition niya.

“Sometimes whn we ‘tats’ (sic), the honesty’s too ‘mats’ (sic),” banat ni Pacman sa refrain.

Kahit sino naman sigurong professional singer ang tanungin, mahalaga ang tamang bigkas ng lyrics. Hindi lang basta nasa tono, o sa timbre ng boses. Mahalaga rin ang diction.

But of course, hindi naman isang professional singer si Pacman. Hilig lang niyang kumanta.

Kaso, wala itong hilig sa kanya kaya huwag na niya itong ipagpilitan pa.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …