BUSY as a bee sa rami ng proyekto ang tinaguriang two of the most talented kids sa bansa at Sold Out Princess na sina Kikay at Mikay na members ng P-Pop/Internet Heartthrobs Group.
Bukod sa regular na napapanood sa mall show, nakasama rin sila sa album tour ng Pinoy/International singer na si Nick Vera Perez. Napapanood din sila sa Pambansang Almusal ng Net25.
Sa June 30 at July 14 naman makakasama sila sa mall tour ng P-pop /Internet Heartthrobs sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks Marikina at magiging host sa event ng Mossimo.
Ambassadors din sila ng CN Halimuyak Pilipinas, Erase Products, H & H Makeover Salon, Switch Limited, at Belgian Waffle.
MATABIL
ni John Fontanilla