Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joross Gamboa, nagsuka habang nagsu-shoot ng isang action movie sa Bacolod City

Joross Gamboa vomitted while doing an action movie that is being directed by Richard Somes last Saturday, June 22, at around 8:00 pm in Bacolod City.

Agad siyang inalalayan ng mga taga-pro­duction.

Mabuti at preparado ang production dahil may ambulance sa set. Hindi naman inabot ng 30 minutes ang pag-attend kay Joross.

Agad na nilinaw ng aktor na hindi siya napatid ng kable at nakatago ito sa set. Wala pa raw siyang tulog at masyadong maaksiyon at mausok ang mga eksena.

Kung ang tulad nga ni Joross na bata pa at in the pink of health ay naaapektohan, pa’no pa kaya ang isang nobenta anyos na tulad ni Manoy Eddie Garcia?

Teka, may hotel room naman siya para matulog at magpahinga, bakit siya napuyat?

“Kasi, ‘yung anak ko, naaksidente sa bahay the day before. Nagkokotse-kotsehan.

“Nabagok sa kanto ng mesa. Nagmo-monitor ako sa anak ko.

“Kasi, tumama ‘yung ulo. 48 hours na under observation. Nagdugo kasi ang ilong, e.

“E, two years old ba naman. Kawawa naman.”

Anyway, kahit walang tulog, nag-report pa rin siya sa shooting ng kanilang action movie.

“With the usok and putukan and everything, takbuhan, ayun nga… bigla akong nagsusuka.

“Pero parang normal naman sa amin ‘yung mga… si Jeff Tam, nagganoon din the day before.

“In fairness, andoon agad ang medics sa tabi namin.”

Kaya raw dapat, kapag gagawa kayo ng ganitong maaaksiyong pelikula, dapat fit kayo. Kumakain nang tama sa oras at sapat rin ang tulog n’yo.

Panata ni Joross ang pakikisaya sa Piña festival, which is on its third year already.

Naka-bonding raw ni Joross nang husto si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa shooting ng pelikulang Three Words to Forever.

Anyway, he was able to survive the parade and was able to do a bit of hosting in one segment of the program that evening.

He, along with Akihiro Blanco, serenaded the 8 queens of the 3rd Piña Festival.

Follow me at my Twitter account Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …