Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sherilyn Reyes-Tan, bumalik ang self-confidence dahil sa BeauteDerm

ITINUTURING ni Sherilyn Reyes-Tan na malaking karangalan na maging bahagi siya ng Beaute­Derm family. Ayon sa aktres, labis ang kanyang kagalakan sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Beautederm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan.

Kabilang na kasi ang aktres sa endorsers/ambassadors ng BeauteDerm product na patuloy ang pagdami ng branches at ng mga satisfied customers. Kasa­ma ni Sherilyn sa BeauteDerm family sina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Carlo Aqui­no, Alma Concepcion, Matt Evans, ang mag-asawang Tonton Gu­tierrez at Glydel Mercado, Jestoni Alar­con, Boobay, ang anak niyang si Ryle Santiago, at marami pang iba.

“Isa pong karangalan sa akin at talagang natutuwa ako kasi talagang gumagamit ako ng mga produkto. So plus po sa akin na kinuha akong ambassador ng Beautederm, masayang-masa­ya po ako at tala­gang binibigyan ko ng pana­hon ito araw-araw… iyong pag-post, pag-recommend sa friends ko,” sambit ni Sherilyn.

Aminado rin si Sherilyn na dahil sa BeauteDerm ay bumalik ang kanyang self-confidence nang dumating ang time na parang napabayaan niya ang kanyang sarili.

“Kasi dumating po ‘yung time na parang naging relaxed ako sa sarili ko, ganyan, parang hindi ko na masyadong naaalagaan ‘yung sarili ko. Tapos nagkaroon ako ng skin problem at sinabi ko kay Ms. Rei — kasi kaibigan ko naman si Ms. Rei since 2016 pa. So ‘yun po, pinadalhan niya ako ng produkto niya without anything in return at nakita ko ‘yung diperensiya.

“Kaya tuwang-tuwa ako at noong nakita niyang tuwang-tuwa ako, in-offer-an niya ako na baka gusto kong maging ambassador ng BeauteDerm. Kasi, iyon ‘yung gusto niya e, ‘yung gumagamit ng BeauteDerm at talagang masaya sa produkto.

“Sa akin kasi, talagang pro­ven and tested na talaga ‘yung product. Buong pamilya actually, except for the 7 year old, kahit anong oras, kahit madaling araw talagang nag-a-apply religiously, kasi talagang kitang-kita naman ‘yung diperensiya. Sa totoo lang, bumalik talaga ‘yung self-con­fidence ko dahil sa Beaute­derm,” masa­yang saad ni She­rilyn.

Ipi­na­­ha­yag din ng aktres ang ka­baitan ni Ms Rei. “Napa­ka­bait po ng taong iyan, napaka-generous, napaka-humble, ibang klase talaga. Lagi akong nag­papasalamat sa kanya na kinuha niya akong ambassador, ‘di lang ako, ‘tsaka si Ryle. Iba rin ‘yung pagmamahal niya sa akin at sa pamilya namin. Every­day po halos nagpa­pasalamat talaga ako sa kanya.”

“So, hindi po nakapag­tatakang lumalago talaga ang BeaureDerm dahil sa kasipagan ni Ms. Rei?

“Opo at saka talagang ano e, magaling talaga ‘yung produkto, kasi. So siguro kahit wala siyang artista na endor­sers, lalago po talaga, e. Kasi, kitang-kita mo naman ‘yung galing ng produkto. Very effec­tive talaga ang produkto niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …