Thursday , November 21 2024

Sa pag-atras sa term sharing… Velasco tinabla si Duterte

PARA sa batikang political analyst na si Mon Casiple  may problema si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung umatras sa term sharing nila ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na aprobado na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Casiple, kung aprobado na ni Pangulong Duterte ang panukalang term sharing at pumabor na rin ang isa pang kahati sa Speakership na si Cayetano ngunit biglang uma­tras si Velasco ay tila may problema aniya, parte ng maneuverings ng Speakership candidates ang ganitong mga hakbang kaya kung umatras si Velasco ay tiyak sa kanya babalik ito sa negati­bong paraan. 

“Possibly, gusto niya na mauna”pahayag ni Casiple.

Una nang inamin ni Cayetano na ang term sharing sa House Speakership na kanyang pina­bo­ran ay iminungkahi mismo ni Velasco pero nang sumangayon siya at maging si Pangulong Duterte ay  umatras si Velasco.

Matapos umatras sa term sharing ay naka­pa­nayam ng ANC News program si Velasco at sina­bi niyang hindi sya pabor sa term sharing dahil maaapektohan nito ang Kamara na sa gitna ng taon ay kinakailangan muling magpalit ng chairmanship at committee heads kasabay ng pag-upo ng kasunod na House Speaker.

Ngunit lumilitaw na hindi ito ang dahilan bagkus ang pag-atras umano ni Velasco ay dahil hindi nya nagustuhan na huli siya sa term sharing at mauuna si Cayetano.

Tinawag na tuso ng isang dating mambabatas si Velasco dahil sa ginawa niyang suhestiyon sa term sharing sabay atras nang hindi siya ang mauuna.

Sinabi ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro, bagamat walang problema sa term sharing kung ito ang nais ni Pangulong Duterte, mas malaki ang advantage kung iisang House Speaker ang mamumuno sa loob ng tatlong taon dahil mapapanatili ang stability ng Kamara lalo’t hindi papalit-palit ang chair­manship ng mga committee.

Matatandaan, sa 17th Congress ay nahati kina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang 3-taon termino ng Speakership ng Kamara matapos mapatalsik sa unang taon si Alvarez at humalili si Arroyo na nagkaroon din ng rigodon sa iba pang mga komite.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *