Wednesday , December 25 2024

POC chair Tolentino nanawagan ng halalan

Isang araw matapos ang biglaang pagbaba sa puwesto ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas, nanawagan si POC Chairman Abraham Tolentino na magsagawa ng special election para sa mababakanteng puwesto ni Vargas. 

Plano ni Tolentino na ilahad ang anunsiyo sa gaganaping general assembly sa June 25. Sa ilalim ng POC Bylaws Article 7 Section 6 – ang special election ay maaaring isagawa sa panawagan ng Chairman sa loob ng 30 araw matapos mabakante ang isang puwesto kung sakaling ang mga susunod na opisyal – 1st VP at 2nd VP – ay hindi kalipikado na maluklok kapalit sa puwesto.

Ang dalawang opisyal ay kinakailangang may kakayahang gampanan at may kalipikasyon para maging POC President. Kasama rito ang kalipikasyon na dapat sila ay may hawak na kasalukuyang puwesto bilang Presidente ng Olympic Sport-NSA. 

Sa Article 7 Section 11, nasasaad na ang Presidente ng POC ay kinakailangang may apat na taong experience bilang NSA President ng isang Olympic Sport sa araw ng eleksiyon sa pagka-POC President, at kinakailangan na halal sila ng incumbent NSA Presidents na kumaka­tawan sa Olympic sport, karagdagan pa nito ay dapat silang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa mahigit na dalawang magkaka­sunod na taon sa araw ng halalan.

Si 1st VP Jose Romasanta ay Vice President of Volleyball, samantala si 2nd Vice President Antonio Tamayo ay Presidente ng Soft Tennis, na hindi naman Olympic sport.

Samakatuwid, sa ilalim ng Article 7 Section 6, dahil hindi kalipikado ang 1st VP at 2nd VP para maupo bilang POC President, ang Chairman ng POC ay obligadong magpatawag ng halalan para mapunuan ang bakanteng puwesto sa loob ng thirty (30) days na mag-resign ang pinuno.

Klaro, ‘di ba?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *