Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA executives, no-show sa mahalagang okasyon

MAY nagbalita sa amin na mid-week o kalagitnaan ng isang nakaraang linggo ay nagdaos ng media conference ang GMA para sa isa nitong upcoming program.

Kung karaniwan daw na present lahat ang mga ehekutibo ng estasyon sa ganitong kahalagang okasyon, ni isa raw sa kanila’y no-show doon.

“Baka naman may importante silang meeting?” sagot naman namin sa aming kausap sa telepono.

Makahulugang tawa lang ang itinugon nito, sabay pagkokorek sa amin ng umano’y tunay na dahilan kung bakit wala ang presensiya ng mga GMA bosses.

“Ano bang okasyon ‘yon, ‘di ba, mediacon?” panimula nito. Obviously nga naman ay working press ang attendees, idagdag pa ang sandamakmak na bloggers na mas marami pa yata ang bilang sa tulad ng inyong lingkod mula sa print media.

Ginanap ang mediacon after June 8. Ito ang petsa kung kailan natalisod si Eddie Garcia habang nagte-taping ng Rosang Agimat ng GMA somewhere in Tondo, Manila.

“So, nagets mo na?” ganting tanong ng aming kausap.

Only then did he make us realize na kaya raw pala ni isang big boss was present at the mediacon ay dahil umiiwas daw itong putaktihin ng mga press attendee tungkol sa nasabing insidente.

Bagama’t nag-isyu na ng official statement ang GMA sa pamamagitan ng CorpComm department nito shortly after the incident, siyempre nga naman ay nais malaman ng press ang latest updates.

Kung totoo man ang ibinalitang ito ng aming source, marahil ay humahanap pa ang mga GMA executive ng proper timing. Hindi naman madaling umupo sa “hot seat” o nakapuwesto sa receiving end.

Maselan ang kalagayan ng 92-anyos na beteranong director kung paanong tensiyonado rin ang pamunuan ng GMA.

Kumbaga, it’s not easy as it seems lalo pa’t anumang pahayag ang ilabas ng GMA needs to be legally approved.

Sa bandang huli, walang may gustong mangyari ang ganoon bagama’t naiwasan sana. Ayon nga sa aming kausap, maanong binalutan daw ng plastic ang kable na siyang nakatisod kay Tito Eddie.

Nawa’t magsilbing precedent na ito sa mga future taping, hindi lang ng GMA kundi maging sa ABS-CBN. Isama na rin ang mga film company.

Still we maintain our belief na ang “pananahimik” ng kung sinuman o anumang entity sa mga ganitong pangyayari ay lalo lang malalambungan ng pagdududa.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …