PUMANAW na ang veteran actor na si Eddie Garcia sa edad 90, kahapon ng hapon, Huwebes, sa Makati Medical Center.
Base sa medical bulletin ng Makati Medical Center, binawian ng buhay si Garcia kahapon ng 4:55 p.m..
Kung ating matatandaan, June 8, nang maaksidente si Garcia sa taping ng upcoming GMA-7 primetime series, Rosang Agimat. Napatid si Manoy sa isang kable at natumba na naging dahilan ng neck fracture.
Agad isinugod si Eddie sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila, pinakamalapit na ospital pero agad ding inilipat sa Makati Medical Center dahil mas kompleto ang mga pasilidad doon.
Mula nang isugod sa ospital, comatose na ang beteranong aktor.