LAGARI ang award-winning actor na si Allen Dizon this Saturday dahil tampok siya sa Ipaglaban Mo ng ABS CBN at Magpakailanman ng GMA-7 sa Part-2 ng makulay na buhay ni Roxanne D’ Salles na pinamagatang Kailan Naging Ama Ang Isang Babae?
Alay ito sa pagdiriwang ng Father’s Day at Gay Pride Month. This Saturday na ito, pagkatapos ng Starstruck. Nasa cast din ng episode na ito sina Clint Bondad, Dave Bornea, at Jenny Miller.
Ayon kay Allen, isa ito sa pinaka-challenging role na nagawa niya. “Oo naman, sa lahat ng ginawa ko, ito siguro ang pinaka-challenging. Lalo na Magpakailanman ito… Alam natin na iba ang TV at iba ang pelikula and mas mahirap sa TV.”
Dati ay ayaw niyang gumanap na bading, bakit siya pumayag dito? Esplika ni Allen, “Siyempre noong una, ayaw ko talaga. Everytime naman na may ganyang role, tini-turn down ko agad, e. Kasi nga, hindi bagay sa akin, parang ang laki ng boses ko, katawan ko… the way na umarteng bakla… So, di ako komportable. Pero nang nabasa ko ‘yung script, naging military siya-US navy siya, naging sales lady siya, may asawa siya, may anak. Tapos nagkaroon siya ng anak sa ibang babae, nag-sex change siya…
“So napaka-challenging ng role, feeling ko kaya ko naman. Pero before kasi parang ‘yung mga times na baguhan pa, ‘di ako tatanggap ng ganyang role. Ayaw ko ng gay role. Pero ngayon, nakita ko naman, okay naman ‘yung character, ‘yung role ko. This time siguro kaya ko nang gawin, kaya tinanggap ko na,” saad ni Allen na nabanggit pang nang nagkaroon ng partner na foreigner si Roxanne ay doon lang nailabas ang kanyang totoong pagkatao.
Mapapanood din si Allen sa Ipaglaban Mo sa episode na Utang, na isang masamang tao ang character niya. Kasama rito ni Allen sina Isabel Rivas, at Jairus Aquino. Si Allen ay kagagaling lang din sa showing ng movies niyang Persons of Interest at Alpha: The Right to Kill sa 22nd Shanghai International Filmfest. Dapat din abangan ang movies ni Allen na Latay ni Direk Ralston Jover with Lovi Poe, at Mindanao ni Direk Brillante Mendoza na tintampukan din ni Judy Ann Santos.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio