Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, nakahanap ng katapat

ISA kami sa nangawit ang panga sa katatawa nang mapanood ang Feelennial movie nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Nakahanap ng katapat si Ai Ai kay Bayani kung komedya ang pag-uusapan.

Mahusay talaga si Bayani kaya naman akmang tawagin siyang Comedian for all Season dahil bawat bitaw niya ng dialogue, tiyak na matatawa ka.

Buong akala nami’y wala nang bagong mapapanood sa Feelennial lalo pa’t karamihan ng comedy film ni Ai Ai ay napanood na namin. Sabi ko nga, baka wala nang bagong maipakita si Ai Ai. Pero nagkamali kami dahil mahusay ang pagkakadirehe ni Rechie del Carmen gayundin ang mga dialogue, ang husay!

Click din ang tandem nila kaya nakahanap ng leading man si Ai Ai sa katauhan ni Bayani. Magkasundo ang mga pagpapatawa nila. Kaya  sinumang manonood ng Feelennial, tiyak na hindi manghihinayang sa ibinayad sa sinehan. Dahil simula hanggang ending, tatawa kayo.

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Feelennial na produce ng Cignal Entertainment at DSL Productions ni Pops Fernandez.

Bongga ang ginanap na premiere night kamakailan sa SM Megamall dahil sinuportahan iyon ng big boss ng TV5 na si Manny Pangilinan gayundin ni Gov. Chavit Singsong. Naroon din ang dating asawa ni Pops na si Martin Nievera na may special participation sa pelikula.

Palabas na ngayon ang Feelennial sa mga sinehan kaya sugod na para sumaya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …