Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Walang BF nanaginip na may ka-sex

Good day po Señor H,

S drim q ksma q dw ang xboyfriend q hnd q nman cya iniicp, pero mnsan po s drim q ngsesex dw kami kaya ngttaka aq wala aq bf now at s work ang focus q, sana mabsa q ito agad but plzzz dnt post my cp #

 

To Anonymous,

Kapag nakita mo sa panaginip ang iyong ex-boyfriend, ito ay maaaring nagpapaalala sa iyo ng mga bagay na hindi magaganda na nangyari sa inyo noong kayo pa. Posible rin naman na kung may kasalukuyan kang karelasyon at nagkakaroon kayo ng misunderstanding o problema, kaya lumalabas na nagkakaroon ng comparison sa ex mo at sa kasalukuyan mong karelasyon. Pero dahil wala ka namang BF ngayon, maaari rin na ang rason nito ay dahil may pagtingin ka pa rin sa dati mong kasintahan. Kung madalas kasi siyang laman ng iyong isipan, natural lang na malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo siya. At ang malamang na dahilan kung bakit siya laging nasa isip mo ay dahil may damdamin ka pa rin sa kanya.

Ngunit , maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog. Ang mga halimbawa nito ay makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo, at mga bagay na katulad nito.

Kung ganito ang sitwasyon, mas malamang na iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan.

Ang panaginip naman na may kaugnayan sa sex, ito ay posibleng nagsasaad ng hinggil sa paghahanap ng kakaibang pleasure o joy. Ito ay may kaugnayan din sa pagiging mapaghanap at mahilig sa adventure o pagiging ‘mapaglaro.’ Nais mong mailabas ang iyong energy, na may kaakibat na kakaibang kiliti. Posible rin namang ito ay may kaug­nayan sa pagiging incom­patible ninyo ng partner mo sa aspektong seksuwal o ang insecurities ninyo ukol sa bagay na ito.

Maaaring siya o ikaw ay nagseselos o iniisip na hindi natutugunan ang mga pangangailangan sa sex ng mahal mo at vice versa. Dapat na magkaroon kayo ng sapat na komunikasyon ng partner mo sa mga pa­ngangailangan at kagus­tuhang seksuwal. Hindi lang siya, kundi maging ikaw din.

Maaari rin naman kasing lumalabas sa panaginip mo ang sexual wishes mo, kaya naging ganito ang tema ng bungang tulog mo. Ang ga­ni­tong panaginip ay maaa­ring nangangahulugan din ng iyong takot o pangamba na ikaw ay abandonahin o iwa­nan ng iyong mahal sa bu­hay, sakaling may karela­syon ka. Ikaw ay maaaring nakakaramdam din ng kaku­langan sa atensiyon sa inyong relasyon.

Alternatively, ito ay maa­ari rin namang nagsa­saad na ikaw ay hindi naka­a­abot sa inaasahan o expec­tations sa iyo ng iba, o kaya naman, ganito ang iyong iniisip o sapantaha kaya nag-manifest ito sa iyong panaginip. Kadalasan din na ang panaginip ukol sa sex ay may kaugnayan sa pagiging tigang o kakulangan sa sex. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …