Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nominees Night ng EDDYS, star studded

KAPURI-PURI ang naging pagdalo ng mga veteran actor sa katatapos na Nominees Night ng 3rd EDDYS na ginanap sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato noong Sabado.

Sa kabila ng busy schedule at prior commitments, naglaan ng oras ang mga nominado sa Best Actor category na sina Dingdong Dantes at Paolo Contis.

Naroon din sina Tony Mabesa, Ricky Davao, Tony Labrusca, at Tirso Cruz III, pawang mga nominado sa Best Supporting Actor category; Cherie Gil, nominado sa Best Supporting Actress, at Glaiza de Castro na nominado naman para sa Best Actress category.

Ang Nominees Night ay pinangunahan ng mga opisyal at miyembro ng Society Of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ginaganap taon-taon ang Nominees Night ng EDDYS Choice para mabigyan ng pagkilala ang lahat ng mga maglalaban-laban sa bawat kategorya at para maigawad ang certificate of nomination bago ang pinakaaabangang gabi ng parangal.

Ipinamahagi ni SPEEd President Ian Fariñas at FDCP Chairperson Liza Diño ang mga certificate of nomination sa mga dumalong nominado para sa 14 acting at technical awards.

Pero bago sinimulan ang paggawad ng certificate of nomination sa mga nominee, nag-alay muna ng panalangin ang lahat para kay Eddie Garcia, na nominadong best actor sa 3rd EDDYS para sa pelikulang Rainbow’s Sunset.

Comatose pa rin sa ICU ang veteran actor na kinilala na rin ng SPEEd bilang isa sa Icons of Philippine Cinema sa 2nd EDDYS Choice last year.

Ang co-star ni Manoy Eddie sa Rainbow’s Sunset na si Mabesa, na nominado sa pagka-best supporting actor ang tumanggap ng certificate of nomination ng actor-director pati na rin ng isa pa nilang kasamahan sa pelikulang si Gloria Romero na nominado namang best actress.

Personal namang tinanggap ng Rainbow’s Sunset director na si Joel Lamangan at ng isa pang nominado sa best director category na si Kip Oebanda ng Liway ang kanilang CoN.

Nominado ang Kapuso Primetime King na si Dingdong sa pagka-best actor para sa Sid & Aya: Not A Love Story samantalang sa pelikulang  Through Night and Day naman si Contis.

Si Cherie ay para naman sa pelikulang Citizen Jake samantalang sina Tirso ay sa Rainbow’s Sunset, si Ricky ay sa Kasal, at si at Labrusca ay sa ML.

Si Quezon City Councilor Hero Bautista ng Heaven’s Best Entertainment ang tumanggap ng CoN para sa Rainbow’s Sunset. Dumalo rin sa pagtitipon ang ang executive ng T-Rex Entertainment para sa Bakwit Boys at personal ding tinanggap ng mga taga-TBA Studios sa pangunguna ni Mr. Vincent Nebrida ang mga CoN para sa  Goyo.

Naglaan din ng panahon ang mga nominado sa iba’t ibang technical awards para personal na tanggapin ang kanilang CoN.

Ang 3rd EDDYS Choice awards night ay gaganapin sa Hulyo 14 sa New Frontier Theater (dating KIA Theater).

Ang Cignal TV ang isa sa major sponsors/presenters ng 3rd EDDYS habang ang Echo Jham Entertainment ang hahawak sa production, sa pangunguna ng direktor na si Calvin Neria.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa Colours Channel ng Cignal TV sa July 21.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …